Siklo
ni Angelli CatanUmagang kay ganda
Iyan ang iniisip ng ibaUmagang paulit-ulit
Iyan ang nakatatak sa aking isipTila isang siklo
'Di alam kung matatapos
'Di alam kailan hihintoTitingin sa kanan at kaliwa
Pare-pareho ang nakikita
Walang pagbabago
NakakatulalaMadalas lumilipad ang isipan
Napupunta sa kawalan
Naglalakbay mag-isa
Sa sariling mundo nagsasayaPagkalubog ng araw ay nagbago
Ang mga sinabi'y kinain koPagkalubog ng araw aking napagtanto
Ang siklo pa lang ito'y hindi ang inakala koBawat ikot pala'y kakaiba
Minsan malungkot, minsan masaya
Bawat nangyayari pala'y may dahilan
Paulit-ulit man ito o walang katapusan
BINABASA MO ANG
My Poems
Poetrycompilation of the poems I made. feel free to read, comment and vote! =)