Distansiya
ni Angelli Monique C. CatanI
Araw-araw ay pare-pareho lamang
Mga tao't bagay na nakikita sa daan
Madalas ay walang pakialam
Hinahayaan na lang maging bahagi ng nakaraanII
Lakad dito, lakad doon
Iba't ibang tao ang nakakasalubong
Minsan ay kakilala, minsan ay hindi
May mga sariling buhay at kaniya kaniyang ikinukubliIII
Kahit saan tumingin ay tila walang pagbabago
Nagsasawa na sa paulit-ulit na siklo
Natutulala at minsa'y muntik nang masagasaan
Di matanto kung ang diwa ba ay naiwananIV
Sumasakay sa may apat o tatlong gulong
Maraming puwedeng mangyari sa sandaling pagsilong
Isang biyaheng maaaring puno ng lungkot o kaligayahan
Mga pagkakataong minsan mo lang masisilayanV
Mula bahay hanggang paaralan
Kung gaano kalayo ay di ko alam
Ang distansiya ba'y malayo ngunit madaling marating?
O sobrang lapit pero kailanma'y di ko maaabot kahit ng aking tingin?VI
Ang mundo nga ay napakalaki kung ating ituring
Ngunit kay liit kung ito'y susumahin
Akala'y mauubos na ang ang oras sa sobra nitong tulin
Maaari pala itong huminto kapag sa iyo napatingin.
BINABASA MO ANG
My Poems
Poetrycompilation of the poems I made. feel free to read, comment and vote! =)