Sino Nga Ba Ako?

6.8K 5 3
                                    

Sino nga ba ako?

Tula ni: Angelli Monique C. Catan

I

Ako ba'y isang taong may prinsipyo?

O yaong may pusong bato na lagging nanloloko

Baka naman nilalang na madalas nanghihingi ng saklolo

Ngunit kilala mo ba kung sino talaga ako?

II

Pagiging marangya ang aking layunin

Malibot ang mundo aking sisikapin

Pangarap ko siguradong aabutin

Gagawin ang lahat kahit anong landas ang tahakin

III

Lahat ng tao may kanya kanyang kapalaran

Bawat nilalang may sariling pinagsisikapan

Ako kaya may magandang bukas na sisilayan?

Kung ang utak walang planong patutunguhan

IV

Sa aming tahanan ako'y napakakulit

Kung hindi pa pagsasabihan tuloy pa rin ang hirit

Mga bagay na gusto ko aking ipipilit

Kaya't aking mga magulang siguradong galit na galit

V

Kapag masarap ang ulam siguradong malinis ang pinggan

Lalo na kapag ang nakahain ay dinuguan

Pero 'pag hindi naubos pwede pang maging pulutan

Para sa iyo, sa akin at kanino man

VI

Ako ay malayo sa isang rebeldeng bata

Pagiging matalino mahirap ibaliwala

Aking pag-aaral sinisiguradong tama

Para ating mga magulang makapag pahinga na

VII

Panonood ng telebisyon ang aking gawain

Ngunit kung minsan hindi ko pinapansin

Aking mga takdang-aralin kailangang atupagin

Dahil mataas na grado, aking mithiin

VIII

Isa ba akong batang masayahin at matalino?

O baka naman isang simpleng tao

Ngunit siguradong isa lang ang nakakaalam lahat ng ito

Ang ating kinikilalang Diyos na si Kristo

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon