Ikaw Pa Rin

261 0 0
                                    

Ikaw pa rin

ni Angelli Monique C. Catan

I

Pagmamahal ko sayo 'y tunay at lubos

Mga puso nati'y ating iginapos

Inibig kita kahit ika'y mapusok

Gagawin ko kahit sa buwan sumuntok

II

Mga masasayang araw na nagdaan

Tila wala nang makakapaghiwalay

Kahit sino at ano man ang humadlang

Ating samahan ay lalo pang titibay

III

Aking laging dinarasal sa Maykapal

Na ang puso nati'y 'di magsiayawan

Ngunit parang iba ang isinisigaw

Ng puso't isip mo na nanghihinayang

IV

Nababahala na ako araw-araw

Dahil sa ipinapakita mong galaw

Siguro nga'y pagtagal ng panahon

Ako ay tuluyan mo nang ibinaon

V

Minahal kita kahit pa nung kahapon

Mahal na mahal kita lalo pa ngayon

Buong puso'y sayo ipinagkaloob

Mamahalin kita mundo ma'y matapos.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon