Lipad
ni Angelli CatanNangangarap magkaroon ng mga pakpak
Tulad ng isang ibong mataas lumipad
Makita ang mundo mula sa itaas
Maramdaman ang hangin at ang araw na sumisikatGaya ng isang saranggolang matayog ang lipad
Buong akala ko'y malaya ako't matatag
Ngunit sa taas ng aking pag-angat
Nakatali pa rin ako't takot na malaglagWalang katapusang pananaginip
Mga pantasya na gusto kumawala sa isip
Kailan kaya maisasakatuparan?
Ang paglipad na matagal ko ng inaasam
BINABASA MO ANG
My Poems
Poetrycompilation of the poems I made. feel free to read, comment and vote! =)