Unang Pag-ibig
ni Angelli Monique C. Catan
I
Ano ba itong nararamdaman?
Isang bagay na di maalis sa isipan
Sinubukang ibaon ngunit di malimutan
Isang alaalang di mawawala kailanman
II
Inakalang tapos at naglaho na
Maayos na ang buhay ngunit ika'y bumalik pa
Paano na ako ngayong andito ka?
Di alam ang gaawin kaya't ika'y umalis na sana
III
Sa tuwing nakikita di malaman ang gagawin
Kung ako'y iiwas o ika'y haharapin
Di mapakali sa bawat gawain
Parang humihinto ang puso kapag ika'y nakatingin
IV
Di alam ang isasagot kapag ako'y iyong kausap
Natutulala kapag ikaw ay kaharap
Pakiramdam ko'y ako'y nasa alapaap
Huwag na sana matapos at mawala sa isang kurap
V
Akala'y mangyayari lamang sa panaginip
Ngayo'y nangyari na't parating iniisip
Nalilito kung hahayaang maging malapit
Dahil natatakot at baka tadhana'y maging malupit
BINABASA MO ANG
My Poems
Puisicompilation of the poems I made. feel free to read, comment and vote! =)