Follower
Ngayong araw ang ika-limang taon ko dito sa Burton International School. Dito ako nag elementary, junior highschool at ngayong senior high na ako dito pa rin ako mag-aaral.
I looked around. Madami pa ring nakatayong body guards sa mga gilid. Kagaya ng dati may kasama pa rin kaming mga body guards, hindi lang kami ng kakambal ko halos lahat ng nag-aaral dito ay meron. Dati nga kasama pa namin si Yaya, pero ngayong senior high na kami hiniling namin 'wag na dahil need na naming maging independent.
Agad nakita ni Louwi ang name nya sa list sa room dito sa may first floor. STEM ang strand nya samantalang ako ay ABM.
"Bye Chayi! Good luck sa first day of school! See you sa break time!" Pamamaalam ni Louwi.
"Ikaw rin! See you later!" Sabi ko.
Papindot pa lang ako sa elevator when the bell rung. I checked my relo, hala late na pala? Kaya naghagdan na lang ako para mas mabilis akong makarating. Halos patakbo ang mga lakad ko.
Buti na lang two sections lang ang ABM kaya nahanap ko na agad ang room namin. Patakbo akong pumunta sa vacant seat. Hindi lang pala ako ang late dahil may kasabay akong umupo. May pasalampak rin na umupo sa tabi ko sa sobrang pagmamadali din.
Saktong pagkaupo namin ay bumulaga ang adviser namin. We greeted her. Mukhang bata pa ito based on her looks, on how she talks and smile.
Inayos at binago nya ang seating arrangements pero kami ng katabi ko hindi pinalipat.
Ginala ko ang paningin ko, puro new faces ang nakikita ko. Lahat ng old classmates at friend ko nasa kabilang section. Sabihin ko kaya sa parents ko na tanggalin sa trabaho ang teacher na nagdecide na dito ako sa section na 'to? Well that's too childish, 'wag na hihilingin ko na lang na may makasundo ako dito.
"Hello..." Nahihiyang bati ng katabi ko.
Nilingon ko sya, tipid akong sumagot. "Hi." Nagpatuloy ako sa pagkopya ng mga requirements na nakasulat sa white board.
"Reigner nga pala..."
His name sounds familiar. Nilingon ko ulit sya para magpakilala rin.
"Chayi---
"Charlie Haven Pineda, oo tinandaan ko..."
Namilog ang mga mata ko, "Reigner Arellano?"
"Yup... woah natatandaan mo rin pala ako."
Tintigan ko syang maigi, he's a grown up now. Puberty hits him so bad, hindi na sya dugyot at mukhang batang palaboy. Paano nakapasok ang taong ito dito? A student from a public school before is now studying sa isa sa mga expensive schools here in Taguig? Paano nangyari 'yon?
"Nag-apply ako ng scholarship at natanggap ako kaya ako ngayon nandito,"
"Oh... i'm not asking though." Sabi ko para di na nya ako kausapin.
"Akalain mo 'yon after five years nagkita ulit tayo tapos di lang tayo classmates, seatmates pa tayo ngayon---
"Ms. Ong! Pwede po bang sa front seat nyo ako ilagay please?" Sana ilipat ako ayoko sa katabi ko, I don't want to be with him.
"Sorry Ms. Pineda... walang gusto makipagpalit... dyan ka na sa may likuran kasi matangkad ka." She explained after few minutes.
I cursed. Ito na yata ang pinaka worst day of school ko. Should I ask my mom or dad to transfer to another school? Aba teka ako ang nauna bakit ako ang mag-aadjust? Madaming strand ang senior high, dalawa naman ang sections ng ABM ah bakit dito pa sya napunta?
