Ants
I am sitting here in the bench sa baba ng narra tree sa gilid ng lavatory. Inaantay kong lumabas si Ahlee para makapunta na kami sa may Oval.
I am wearing my PE uniform, running athelete ako, halos dyan na ako tumira sa oval, tapos ito pa topic namon ngayon sa PE class, wala na akong ginawa kundi tumakbo ng tumakbo. Marahil aso ako sa past life ko. Pero masaya naman, kaya ayos pa rin.
Tumayo agad ako ng makita kong lumabas na si Ahlee sa may lavatory. Hinigit ko agad sya dahil nangangati na ang mga paa kong tumakbo.
"Chayi pagpagin mo 'yang damit mo malanggam dyan sa inupuan mo..." Nag-aalalang sabi ni Ahlee.
"Wala naman... baka umalis kasi badass ang naupo." I smirked.
Pinapila kami by height ng aming guro, as usual nasa may likuran ako. Ngayon pangatlo ako bago ang pinakamatangkad sa'min, nasa middle part si Ahlee since she is 5'5. Dahil na rin siguro sa royal blood, I mean british blood ko kaya matangkad ako. Almost 1 inches lang ang tangkad ko kay Louwi.
"Okay guys, please face your partner now!" Hudyat ng teacher namin para humarap na kami sa lalaking aming kaharap.
Nag blank ang mukha ko ng makaharap ko ang lalaking makakasama ko. Parehong pareho kami ng reaction ni Public School Boy. Isang oras na namang walang salitang lalabas sa bibig namin.
Bakit ba kasi tumangkad sya ng ganito? 'Yong mga ka-height ko nasa middle part lang. Six footer na kagaya nya at higit pa ang mga nasa likuran nya.
Ngayong araw ay sinumpa ko ang pagiging matangkad ko. Kung nandoon sana ako sa unahan iba ang makakapartner ko.
Hawak-hawak ko ang 3 pages paper na ibinigay sa kada pair. Ito ang aming guide or gayahan ng mga stretches, styles and techniques sa running.
Pinapunta lang kami rito sa oval para magpractice ng mga 'to? Hindi para tumakbo?
Sobrang ankward lalo na sa tuwing ginagaya namin 'yong stretches na kailangan ay may ka-partner. Ewan ko kung ako lang ang nakakaramdam na nakakakilabot 'tong pinaggagawa namin.
Pagod na akong magpigil ng mga sasabihin ko at marinig na nagpipigil rin sya, kaya hinila ko sya ng mabilis sa part ng oval na wala masyadong tao. Nagpatianod naman si Reigner sa mga hila ko.
Binato ko ang hawak kong papel sa inis, "I'm long legged but my patience are short! Kapag ako ang nauna sa finish line, 'wag na 'wag mo na akong kakausapin kahit kailan, pero kapag ikaw ang nauna kakausapin na kita at pwede mo na akong kausapin, maliwanag?" Tuloy-tuloy na sabi ko habang nag-stretching at naka-focus sa tatakbuhan.
Nakita ko sa peripheral view ko na tumango sya, "1,2,3, GO!" Sigaw ko.
Nilakihan ko ang bawat hakbang at dinoble ang bilis ng mga paa ko. Hindi ko hinayaang maging hadlang ang nakalugay kong buhok upang mapabilis ang takbo ko.
Naghalo ang tuwa at lungkot ko ng matanto kong 3 steps na lang ang layo ko sa tagumpay.
"AH! ARAY!"
Sigaw ko habang iniinda ang sakit sa may likuran ko, para akong tinutusok tusok. Napaluhod ako sa sakit na dulot nito. Nakita kong narating ni Reigner ang finish line bago maging itim lahat ng bagay dito sa mundo.
White.
Everything is white. Ang kisame puti, ang kama puti, ang mga cabinet puti, pati ang suot ng babae ay puti rin. Nakadapa ako pero napansin ko pa rin ang lahat.
"Mabuti naisugod ka agad dito sa clinic hija at napigilan ang allergy reaction mo sa ant bites..." Panimula ng school clinic doctor namin.
Dahan-dahan akong bumangon at umupo. Ngayon ko lang napansin na naka jersey shirt pala ako. Based on the number 15 in front akin ito.
"Nagamot na lahat ng bites, 'wag ka munang sasandal para hindi ma-irritate ang balat mo..."
"Uhm sino po ang kumuha ng damit ko?" Curious na tanong ko.
"Yong classmate mo na nagdala sa'yo rito or boyfriend mo yata 'yon hija-
"B-boyfriend?" Napuno ng katanongan ang mukha ko.
"Una nyang kinuha 'yong jersey shirt mo kaso medyo fitted, tinanong ko sya if may kilala sya na merong mas malaki para mas comfortable ka... 'yan 'yong binigay nya, and sorry if kinuha ko 'yong susi mo sa wallet mo... emergency lang kasi talaga..." She explained using malambing na boses.
Unti-unti kong pinroseso lahat ng bagay sa utak ko. Si Reigner ang nagdala sa'kin dito, bakit hindi ang mga kaibigan ko? Number 15 rin ang nakalagay sa jersey nya? Talagang habang tumatakbo pa ako kinagat ng mga langgam, ibig sabihin bumitin lang muna sa likod ko ang mga fucking ants? At may allergy pala ako sa kagat ng langgam!?
Tulala at nakadapa lang ako rito nang biglang bumulaga sina Noah at Ahlee. Kinamusta agad nila ang kalagayan ko ngayon. Gusto kong magtampo kasi bakit hindi sila ang nagdala sa'kin dito! Bakit nila ako hinayaan kay Reigner.
"Sorry kung ngayon ka lang namin napuntahan, si Sir kasi... sabi isa lang daw ang sumama sa 'yo! E si Reigner ang agad na pumulot sa'yo sa semento kaya sya na ang nag asikaso sa'yo... hindi namin sya napigilan kahit na alam naming ayaw at sinusumpa mo sya kapag gising ka-
Pinutol ko ang rap ni Ahlee, "Thank you
so much sa concern at pag-aalala sa akin... I'm good now, no need to worry about me na..." Binalingan ko sila ni Noah."Pwede bang tawagin nyo si pub- I mean si Reigner... I wanna talk to him," I added.
Napa "o" ang bibig nilang dalawa.
"Okay sure... tatawagin na namin si public school boy mo, let's go Ahlee!" Hinila na ni Noah palabas ng clinic si Ahlee.
Tama ba na pinatawag ko sya? Or dapat kausapin ko na lang sya bukas kapag okay na ako.
Ilang minuto lang at pumasok na sa may pintuan ang lalaking inaantay ko. Naiilang syang umupo sa tabi ko, pero tinuloy nya pa rin.
"You win the race... aren't you?" I chuckled.
"Masakit pa ba 'yang likod mo? Uhm sorry for opening your locker at pinakialaman ko ang personal things mo-
Wow nakakapagsalita ka pala.
Umiling iling ako, "It's okay..." Napalunok ako. "T-thank you for everything, for helping me despite sa pagiging rude ko sayo, you win the race-
"Thank you for calling me and letting me hear that..." He smiled.
"I'm sorry for being rude, badass, or difficult Mr. Arellano, by the way I'm Chayi..." Naglahad ako ng kamay.
"It's okay, stop minding it Ms. Pineda... Reigner nga pala." Sabay tanggap ng aking kamay.
Hindi ako makapaniwala sa ginagawa ng sarili ko. Kinagat lang ng langgam at natuwid na agad ang ugali!
"Say thank you to the damn ants!" I laughed.
Kung hindi dahil sa ants at allergy na 'to, nagssign language at nagsusulatan pa rin kami ni public school boy ngayon.
( ͡° ͜ʖ ͡°)
