Mga paa ko'y may sariling buhay
Hindi mapakali, malikot, ayaw paawat
Padalos-dalos ang mga hakbang
Hindi ko alam kung sino ang lalapitan
"Yaya! Habulin natin 'yong ice cweam!" I begged.
"Masyado ng malayo Chayi e..." My nanny replied.
"Magpauwi na lang tayo yaya kay na mommy ng ice cweam?" My twin sister said.
"Oh sige tatawagan ko na lang sina ma'am para uwian kayo ng ice cream mamaya,"
"E yaya gusto ko 'yon!" Tinuro ko ang ice cream vendor.
"Malayo na nga Chayi, palabas na ng village... tara na sa loob pumasok na tayo nina Louie..."
But hindi ako nagpatinag sa sinabi nya, kumaripas ako ng takbo, hinabol ko nag ice cream. I run as fast as I can.
"Hello kuya pabili po ng ice cweam!" Sabi ko agad sa Ice cream vendor ng maabutan ko sya.
While kuya is preparing my ice cream, naagaw ng isang batang lalaki ang aking atensyon.
"Hi!" Kinawayan nya ako. "Ako si Reigner, ano ang pangalan mo?" He said wirh excitement.
"Sorry mommy said that I shouldn't talk to strangers or I would be kidnapped!" Nag-crossed arms pa ako.
"Neng hindi kidnapper ang anak ko, sa tingin ko'y magkasing edad lang rin kayo..." Ice cream vendor said sabay bigay sa akin ng ice cream.
Diba kapag nabili binabayaran ng pera? Oh no wala akong pera!
"CHAYI! IKAW TALAGANG BATA KA NAPAKABILIS MONG TUMAKBO!" Sigaw ni yaya na kabababa lang ng tricycle.
Pagkatapos magbayad ni Yaya ay sumakay na kami sa tricycle pabalik sa house namin.
"Ikaw Chayi ha hindi ko alam kung ilang kabayo ang sumapi sa'yo!" Aniya habang inaayos ang clips ng buhok ko.
I discovered this talent when I was seven years old, ngayong grade 6 na ko patuloy pa rin ang takbo ko ng mabilis.
Nasa isang running race ako ngayon at ako ang representative ng aming school. Students from public and private ang mga kalaban ko.
Suportado ako ng mga magulang ko. They even bought me gears, expensive running shoes and hired someone to train me more. Kaya hindi ko sila bibiguin ngayon.
Nauunahan ko ang iba pero may isang lalaki na halos sumasabay sa akin. Dahil sa cheap uniform nya I know he's from public school.
"GO BURTON INTERNATIONAL SCHOOL!"
"GO SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL!"
Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko ang ribbon na naputol sa mga braso ko.
I won. I am the fastest runner among the students.
"Congrats Charlie!" Sabi ng katabi ko on my right side.
Sya 'yong muntikan ng makatalo sa'kin kanina.
Nandito na kaming tatlo ngayon sa stage at sinasabitan ng medalya.Paano nya nalaman ang name ko?
"Congrats rin, how did you know my name?" Tanong ko pero nakatingin pa rin ako sa mga naghihiyawang audience.
"Nakita ko sa participants list, uhm Reigner Arellano... tandaan mo that's my name."
Wow at bakit ko naman tatandaan 'yon? Sino ka ba? Hinihingi ko ba?
"Tandaan mo rin na ako si Charlie Haven Pineda ang babaeng tumalo sa'yo ngayon." Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.
Napadpad ako sa lugar na kakaiba sa aking paningin
Hindi ko gusto, hindi ako nararapat dito
Hindi porket mabilis ang pagtakbo ko
Dadalhin na ako ng tadhana patungo sa iyo(๑•̀ㅂ•́)ﻭ
-gogelie