Notebook
Kumunot ang noo ko habang binababa ng serbadora ang order ko sa aking harapan.
"I didn't order ice cream-
"E may umorder po e sabi sa inyo ibigay..." Aniya.
"Sino po?" Curious na tanong ko.
"Di po sinabi ang pangalan e..." She at nilisan na ang aming table.
Hindi ito ang unang beses na may nagbigay sa akin ng food dito, halos lahat sila ay hindi nagpapakilala kaya hindi ko sila mapasalamatan at matanong kung bakit at para saan.
Kapag may lason 'to ipapa-check ng parents ko ang CCTV at ipapakulong kung sino ang naglagay, pero kung wala edi thank you at naka-libre ako.
Dinama ko ang sarap ng ice cream after a long brain storming kaninang general mathematics class. Sumakit ang ulo ko, tila sumabog ang aking braincells. Ang isa pa na nagpapahirap sa'kin e wala akong kausap or katanongan sa every discussion. Almost two weeks na kong di kinakausap nang walang kwentang katabi ko.
"I can't understand talaga kung bakit ayaw nyong mag-usap ni Reigner..." Basag ni Ahlee sa katahimikan.
Lalo ko tuloy pinanggigilan ang paghahati sa steak. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break namin ngayon. Kasama ko si Ahlee at Noah - these two are seatmates, sila ang nasa may harapan namin. Close na sila in just few weeks while kami ng katabi ko wala pa ring communication sa isa't isa.
Mas pinipili ko pang kausapin or magtanong sa kanila about paperworks maprotekahan lang ang pride ko. Kaya sila ang naging kaibigan ko, mababait sila at matagal na rin dito sa Burton.
"Kasalanan nya 'yon, kung ayaw nya akong kausapin edi 'wag..." Nagpatuloy ako sa pagkain.
Ako ang nagsabing 'wag nya akong kausapin pero talagang sumunod sya, sineryoso nya ng sobra! Bahala sya sa buhay nya!
"Mag-uusap din sila... diba tayo nga nong una medyo nagkahiyain pa," Ani Noah.
"Tama! Mabait ka naman at hindi mahirap pakisamaham..." Segunda ni Ahlee.
Thank you for saying that. Nakikisama ako sa mga taong gusto ko, kapag ayaw ko wala kayong magagawa.
"Iba ako, iba sya, ibahin nyo kami guys..." I announced.
He's crazy, weirdo, public school boy.
Hinalungkat ko na ang bag ko pero wala akong makitang yellow pad. Mukhang naiwan ko sa locker ko. Bakit ba kasi may diagnostic test pa ngayong araw?"Number 1..."
Kumalma lang ako ng inabutan ako ng isang pirasong yellow pad, galing pala ito kay Reigner. Gusto ko sanang ibalik dahil baka isipin nya ang yaman ko nga e wala naman akong papel! And yet, nagsisimula na ang exam, ayokong magsulat sa palad.
Hindi ko alam kung anu-ano ang mga pinagsasagot ko, wala akong idea sa subject na ito. May patlang pa nga ang ibang numero samantalang nasilip ko sa katabi ko na kumpleto ang sagot nya. I didn't mind him kasi baka may sagot nga sya e mali naman!
Kumulo ang dugo ko nang mag-announce ng by twos group work ang teacher namin sa Organization and Management. Lalo pa noong sinabi na ang magka-pair e ang magkatabi. Sino ba kasing nag-imbento ng by twos na seating arrangement!
"Sir pwede po bang by friends?" I proudly inquired, dahil nakuha ko na si Ahlee bilang partner ko.
Umiling sya. "No... seatmates nyo na para magkausap kayo at makilala nyo ang isa't isa..."
Nag-iba ang timpla ko, nginitian pa ako ng dalawang nasa unahan ko sabay titig kay Reigner.
This academic year I started hating teachers, lalo pa 'yong nagbibigay ng mga activities na need talaga ng interaction ng dalawang tao.
Nakapangalumbaba ako habang pinagmamasdan ang go na go kong katabi sa pagsasagot.
Inabot nya sa akin ang notebook nya, napansin ko agad ang nakasulat dahil ang ganda ng hand writing.
Sya: Hati tayo sa sasagutan, 5 questions, sa'yo 2 akin 3, is that okay with you?
Ako : Ok thanks for the yellow pad kanina :)
Nagsisisi ako kung bakit pa ako naglagay ng smiley!
Sya : Welcome :D answer this question...
Kadiri ka Chayi bakit ka ba naglagay pa ng smile emoticon!
Ang ingay ng kapaligiran dulot ng mga tao rito na nag-uusap. Samantalang kami heto patuloy ang abutan namin ng notebook, tipid lang ang mga replies ko. Pati nga 'yong mga sagot ko sa questions is one sentence lang, sabi nya kasi sya na magpaparagraph. Feeling ko hahabaan nya mga sagot nya kaya okay lang na maiksi ang sagot ko.
Sinadya kong papangitin ang penmanship ko para mapilitan syang kausapin nya ko. Kakausapin ko naman sya, ayoko nga lang mauna.
Pero hindi umubra 'yon patuloy lang sya sa pagsusulat. Hanggang sa matapos sya ay hindi man lang sya nagbitaw ng isang salita. Pipi yata ang taong ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kahaba at ganda ng sentences nagawa nya habang sinusulat ko ito sa papel ko. He's good in essays huh. Talagang nagawan nya pa ng paraan ang one sentence ko, good elaborator rin pala sya.
Very good!
"Fast your papers foward na ma-pride kong mga kaibigan..." Nilingon ako ni Noah bago si Reigner.
Inirapan ko sabay iniabot ang papel.
"Tahimik kayo because?" Tanong ni Ahlee.
"Kasi hindi kami maingay... Ahlee pati banaman ikaw?" I bragged.
"Joke lang Chayi... don't be mad at me." Nag-peace sign sya at tinalikuran na kami.
Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganto ni Mr. Public School Boy!
Binuksan ko ang locker ko rito sa girls varsity locker. Kumuha ako ng towel at t-shirt. I'm wearing my training jersey uniform.
'Yong ibang varsity ay nagshoshower, hindi ako masyadong pinawisan kaya magpapalit ng lang ako ng damit.
Nalaglag ang panga ko ng may lalaking pumasok sa aming locker room, hindi lang basta lalaki si Reigner! He's wearing the same uniform katulad ng mga team mates kong lalaki. Is he a running athlete too? Here in Burton?
"Hello! Sa left side ang locker room ng boys..." Pabebeng wika ng isang cheerdancer.
"Oh I'm sorry, medyo nalito lang... thank you!" Nahihiyang tugon nya sabay umalis bitbit ang duffle bag nya.
Oo nga pala he's a transferee, akalain mo 'yong nakakalaban ko lang sa regional running race ay team mate ko na.
Kung hindi nagsalita 'yong babae kahit ayaw ko syang kausapin ituturo ko sa kanya ang tamang locker room.
Ginala ko ang paningin ko sa buong paligid, mukhang nasa shower room pa lahat ng athlete at team mates ko puro cheerdancers lang ang nandito.
"Transferee 'yon right?"
"He's so hot argh!"
"Anong section nya?"
"May bago na tayong panonoorin every try out or training!"
I sipped the last drop of pocari sweat, "the standards of the people here had really dropped..." I said before leaving this locker room full of maarte and malandi.
('_´)