Kabanata 4

2 0 0
                                    

Alone

Inaalalayaan ako ni Louwi ngayon patungo sa aming van, nakabuntot rin sa amin ang mga bodyguards.

"Arellano..." Aniya sa gitna ng aming paglalakad.

Marahil ay binasa nya ang nakalagay na surname sa suot kong jersey. Dahil dito I elaborated everything to her.

"So friends na kayo now?"

Umiling ako. "I don't think so... yeah we're talking na but it doesn't mean na gusto ko syang kaibiganin," Pag-angal ko.

"Tss... magbait ka na Chayi-

"Mabait kaya ako Louwi... sa piling tao nga lang-

"Sa mga taong gusto ko!" Sinabayan pa ako ni Louwi sa pagbanggit ng mga huling kataga.

Nalaglag ang panga ko nang bumulaga sa amin ang aming mga magulang, nag-aalala ang mga mukha nila. Louwi and I kissed their cheeks, bumaha ng mga katanongan tungkol sa akin, syempre sinagot ko in a way na hindi sila masyadong mag-aalala.

Pero hindi ito umubra, kaya ngayon ay nakadapa ako rito sa hospital bed while while being examined - again. Para daw makasigurado kung okay lang ako at mabigyan ako ng gamot nang gumaling ako kaagad.

Parang sirang plaka ang doktor kasi mung ano 'yong sinabi sa'kin kanina ganon din ang sinabi nya! Nagsasayang lang ako ng oras dito, I'm so bored.

Papunta na kaming parking nang mapansin nila ang jersey ko. Heto na naman tayo!

"KAY REIGNER!" Sagot ni Louwi sa tanong ni Mama.

Salamat sa pagsagot Louwi. Likod ang sumakit sa akin hindi bibig.

"Who is he Chayi?" Papa queried.

"Oo nga, you haven't told us about your friend yet.." Segunda ni Mama.

"Oh he's my classmate, uhm team mate but he's not my friend yet-

"Hindi pa po sila masyadong close pero mabait naman po 'yon at gwapo pa!" Louwi cut my words.

"And naalala nyo pa po ba 'yong nakalaban ni Chayi 4 years ago?" My twin added.

Ayoko ng topic nila, ayoko syang pag-usapan, ayoko sa kanya, period.

"The handsome public school boy?" My mother said excitedly.

Mag-ina nga kami nito, pero mali na nilagyan ng handsome ang description ni Reigner.

"Opo Mama, that's him!"

Napatingin sa akin Papa, "Ah kaya pala parang galit ka sa kanya," Pang-aasar nya.

"No I'm not-

Ayoko lang talaga sa kanya!

"He used to be your rival, but I think you're meant to be each other's ally!"

"Mama! so gross don't ship us po-

"Bakit gwapo naman 'yong batang 'yon huh-

"Pa! Pati banaman ikaw?"

Stop you all! Nauna na akong pumasok sa sasakyan upang takasan ang mga pang-aasar nila sa'kin. Really doon nila ako i-shiship? Kadiri! I can't even imagine I and him being together!

Gusto kong ibato ang phone ko nang makita ang notification ko na "Reigner Arellano sent you a friend request.

Hindi porket pwede mo na akong kausapin ay pwede mo na akong kaibiganin.

Dahil sa inis binitawan ko ang iphone ko at pinanood na lamang si Louwi na naliligo sa ulan. Bwiset na likod 'to bawal pa kasing mabasa.

Pero habang nakikita ko ang mga ngiti ni Louwi na-enjoy na enjoy ay napapangiti na rin ako. 

Racing HeartbeatsWhere stories live. Discover now