Sorbetes
"Uh no po Sir, we're not in a secret relationship or something..." Pigil ko sa pang-aasar nilang lahat.
"Yeah that's true Sir-
"Na kayo ni Chayi?" Nakangiting tugon nya.
"It's true we're not in a relationship..." Ani Reigner.
Sa lahat ng sinabi nya ito lang ang natipuhan ko.
Sigurado akong nagpapalakpakan na ang mga tainga ng mga babae na naririto, because it's confirmed he's single. Pero saglit lang ang kanilang kasiyahan sapagkat ang kanilang crush ay ipinareha sa babaeng kinaiinggitan nila dahil lagi "daw" kadikit nya.
Yes he's my partner for today's training, sabay kaming tatakbo sa unang ikot, at sya naman ang papasahan ko sa sususnod.
Nang binigyan na kami ng hudyat ng coach na tumakbo ng sabay ay talagang binuhos ko na lang lahat. Isinaisip ko na hinahabol ako ng police na kapag inabutan ako ay makukulong ako for life.
What a motivation!
"Chayi kalmahan mo lang... first round pa lang 'to baka mabigla katawan mo..." He said nang matapatan nya na ako.
"Nasa pisngi ko ang wound ko wala sa feet!" I replied habang bumagal ng kaunti.
Sinabayan nya rin ang bilis ko. "Kahit na-
"Kahit na andaming nagdonate sa'yo ng shoes 'yan pa talaga ang napili mo.."
"Dream shoes ko kasi 'to... kaya sobrang thankful ako sa nagbigay-
"Nakakainis 'yong nagbigay 'di marunong magpahalaga sa money..." Banat ko.
Sige lang Chayi paringgan mo sarili mo.
"Oo nga e sobrang bait nya... pero papahalagahan ko naman 'to at iingatan..." Sinulyapan nya ako.
Umirap ako. "Thanks to me- kasi kung di ko sinira 'yong sapatos mo..." I whisper.
"Hindi ko rin naman maisusuot 'yun lahat, kasi okay na ako rito... sayang hindi ko kilala 'yong nagbigay gusto ko bali syang ilibre ng ice cream..."
Almost 10k ang presyo nyan tapos ice cream?
Napapreno ako sa pagtakbo. "Kung sakaling ako ang nagbigay nyan anong ice cream ang ililibre mo sa'kin?"
"Well dadalhin kita sa pinakamasarap na ice cream shop-
"Hmm baskin robbins?" I asked.
"Sa ice cream shop on wheels ng tatay ko..."
"You mean sobertes?" Kumunot ang noo ko.
"Anong sober? Lasing?" He joked.
"Ang ayos ng tanong ko sa'yo grabe ka!" Nagsimula na muli akong tumakbo ng mabilis.
"Joke lang gusto ko lang matanggal 'yang kunot ng noo mo... oo sor.be.tes. pero if you wanna call it sobertes okay lang din..." Sabi nya ng mahabol ako. "Ano G ka ba mamaya?"
"Anong G?"
"Game ka ba?" Paglilinaw nya.
"G!" Wala sa sariling tugon ko. New learnings na naman.
I can't say no to ice cream talaga!
After taking a shower tinagpo ko si Reigner sa may parking lot. Nagbangayan pa kami bago ko sya napilit sumakay sa aming van. Kakasabi ko lang kanina na dapat layuan nya na ako, dahil napahamak na ako nang dahil sa kanya. Honestly it's not his fault naman talagang obsess lang si Brenda sa kanya.