Deserve
Nagising ang buong pagkatao ko ng may malamig na tubig na tumapon sa aking katawan. Hindi ako nag-alinlangang tumayo at sinampal ko agad ang gumawa nito.
"How dare you!" Sabi ko sa walang hamak na nagbuhos sa'kin ng tubig.
Si Brenda, ang cheer captain ng Burton. Palagi ko syang nakikita sa gym.
Nag-init ang palad ko kaya sapat ang pagkakasampal ko upang mahalikan nya ang sahig.
"You messed up with the wrong person!" She cursed habang nasa sahig pa rin sya kung saan sya nababagay.
Nakita kong dinaluhan sya ni Reigner at ng mga alipores nya - mga hipon, I mean cheer leaders.
"Oh really?! Well you're barking at the wrong tree!" My voice thundered.
Lalayasan ko na bali ang lahat ng epal dito sa cafeteria ng may humila sa braso ko.
"Finish you food..." Ani Reigner.
"You like that girl?"
"Wala akong gusto sa kanya, ubusin mo ang lunch mo... pagkatapos nito tsaka ka magpalit." He commanded.
"You like that girl... tinulungan mo e." Umirap ako. "Swerte naman nya kasi may gusto sya sa'yo..." Bulong ko pa.
"Paano mo nasabi?-
"So you'll be happy if that shrimp truly likes you? Hindi nya ko susugudin if she doesn't care about you-"
"Mas magiging masaya ako kung kakain ka pa-"
Pinalis ko ang kamay nya at padarag na umupo. Ayaw na ng pride ko pero gusto pa ng stomach ko.
"I will finish my food not because of you, but because I'm hungry pa... is that clear?" Tinaasan ko sya ng kilay at nagpatuloy sa pagkain.
Nakita kong naupo na rin sya at nagpatuloy sa pagkain nya. Napansin kong binibilisan nya rin kumain kaya mas nauna pa sya sa akin. Kagaya ng inaasahan ko hinintay nya ako matapos.
Matapos kong ilagay sa tamang pwesto ang mga kubyertos ay tumayo na ako at nilisan sya.
Dumiretso ako sa locker ko. Pinunasan ko ang katawan ko at nagpalit ako ng damit. Wala akong choice kundi isuot ang jersey shirt, PE pants, at rubber shoes ko. Mas okay 'to instead of wearing my wet uniform.
Nakatingin ako sa salamin while making a high ponytail.
"You are Charlie Haven Wilson Pineda! You are bolder and brave than they think!" I said as a compliment to myself.
Naghilamos ako ng mukha bago lumabas ng locker room. Napatingin ako sa lalaking lumabas mula sa locker room.
Reigner is wearing the same uniform like mine. Hindi masyadong nakakagulat dahil nadumihan ko ang damit nya. Hindi kaaya-ayang tingnan iyon habang nagkaklase.
"Tara... sabay na tayo papunta sa classroom-
Binilisan ko ang lakad ko para mapagtanto nyang ayaw ko. Ngunit kahit binibilisan ko na ang lakad ko ay nasasabayan nya pa rin ako. Ano ka ba Chayi, running athlete din sya remember?
Kagaya ng inasahan ko dumaan ako sa sandamakmak na mga mata bago makarating sa kinaroroonan. Hindi ko alam kung saan ako uupo, ang hirap kapag wala kang gusto sa mga kaklase mo. Ang hirap kapag wala kang mapagsabihan, napakabigat sa loob.
I tried calling my old friends but they just sent me a message saying they can't talk right now because they're reviewing for a quiz.
Pagkatapos ng klase ay nagmadali na akong pumunta sa locker, mamaya ay nandito na rin si Reigner. Napatigil ako sa pagkuha ng gamit ko sa locker, dahil may nakita kong gunting. Kung walang sapatos, walang Reigner mamayang hapon.