CELESTE'S POV
"YA!" malakas na sigaw ni Caslem, nag e-ensayo kaming muli, pwede naman na iba ang gumawa nito pero mas gusto kong ako ang mag turo sa anak ko "ah!" inihampas nya ang patpat nya sa kanan at sinalo ko yun ng pakaliwa "hah!" umatras sya at binitawan na ang patpat saka inilagay ang parehong kamay sa harap at umaktong ganun makikipag laban, bumuntong hininga ako
"Go!"
Sinalag ko ang lahat ng suntok at kalmot nya, pinatatama ko lang yun sa braso ko kaya't bawat kalmot nya ay ang bawat sugat ng braso ko, pero hindi pwedeng laging pinag bibigyan ang isang kalaban, hindi ko man sya kalaban ay kailangan nyang malaman na laging maging alerto sa kung anong susunod na atake ng kalaban
Tumalon ako pa-ere at bumagsak sa likod nya, saktong pag harap nya ang pag sampal ko sa muka nya mismo, dahilan para matumba sya
"Bumangon ka" utos ko "isa lamang iyang tapik"
Nang bumangon sya ay sinugod ko sya ulit, palibhasa'y bata pa kaya't kahit anong sipa o suntok ang gawin nya ay balewala, umikot sya pahiga sa sahig, mabilis ang pangyayari, nakita ko nalang na hawak nya nang muli ang patpat at sinusugod ako, panay ang ilag ko
"Ganyan nga!" nakangiting komento ko, nakangisi naman sya
Ang pinakamalakas nyang hampas ay ang huli. Kahit papaano ay nasaktan ako. Ginulo ko ang buhok nya at naupo gamit ang isang tuhod
"Tunay na anak kita" pambobola ko "halika't kumain kana at mag pahinga" hinawakan ko ang maliit nyang kamay at hinila sya papunta sa hapag kainan, pinag silbihan ko sya at pinaliguan na rin. Oo nga't 8 year's old na sya pero pakiramdam ko baby pa rin sya at kailangan pa rin paliguan at pakainin
"Mama? Kelan po ako mag i-school ulit?" tanong ni Caslem habang binibihisan ko sya ng sando
"Pag 12 kana po" nakangiting sagot ko saka tumayo upang buhatin sya "kahit wag kana magkaron ng medalya, basta't maging magaling ka lang, gusto kong maging matatag ka like mama diba?" pangangaral ko, tumango lang naman sya habang nakasandal ang ulo sa dibdib ko, inaantok na. Napangiti ako, pakiramdam ko ay hindi nya pinag kakait ang pag-aalaga ko sakanya na parang baby pa rin sya "at syempre, tapat, dapat ang loyalty mo ay nasa mama at papa lang okay?" nag thumbs-up pa ako at ginaya nya ako "at dapat katulad ka ni papa na magaling at syempre gwapo!" biro ko pa
"Mama, antok napo ako" nakangusong sabi nya, napahalakhak ako bago sya ihiga sa kama nya at kumutan sya, hinalikan ko muna sya sa noo bago ko sya iwan
"May pag pupulong" bungad ni Gael, tumango lang ako
"Tungkol saan?" tanong ko habang nag lalakad kaming pareho papunta dun
"Hindi ko rin alam, akala konga ikaw ang nag patawag. Sila Laney at Berdano ang nag patawag" mahabang sagot nya, tumango ulit ako
"Nandon naba ang kambal?" tanong ko ulit
"Susunod daw sila" inakbayan nya ako at hinila na. Dumaan kami sa madilim na sulok at binuksan ang may kalakihang pinto
Parang secret room ang pulungan dahil tago ang kwartong ito hindi katulad sa ibang kwarto
Naupo na ako sa pwesto ko at sumandal sa swivel chair, hinintay ang kambal, anim kaming narito, ako at ang prinsipe, ang kanang kamay ko na si Berdano at si Laney na ngayon ay namumuno na sa mga bampirang kawal. Naging kasundo kona si Bardano at syempre kailangang bago ang kanang kamay.. Sya ang pinili ko, bawal naman si Gael dahil isa na syang prinsipe
"So.." umubo pa kunwari si Berdano, dumating na ang kambal "may mga kakampi na nasa labas ng palasyo at nasa ibang clan.. Maging sila ay hindi na makapag hintay sa magiging sunod na tagapag mana" ayun nanaman! Ponyeta sabi nanga ba't tungkol nanaman sa pag-aanak ko ang pag-uusapan namin "kelan nyo balak mag anak?" tinignan nya kaming pareho ni Gael, napaubo ako. Kailangan kaming dalawa talaga?
"Pag-uusapan natin yan.. Lipunin nyong dalawa ni Laney ang lahat ng kalahi na tapat!" ang tanging sagot ko
"Inaasahan nila na sasang-ayon na kayo sa susunod Celeste" buntong hininga ni Berdano
Hindi tulad ng ama, kung sya na hari noon ay ang tawag sakanya'y 'ama'saakin ay sa pangalan lang ngunit ayos lang dahil mas gusto kong komportable ang mga bampira sa bagong pinuno nila hindi katulad sa ama na bilang lang ang nakakalapit sakanya
"Nasa akin pa rin ang disisyon" kunot-noong sagot ko, naiirita na "hindi madaling mag buntis, alam nyo yan hindi ba? Marami na ang namatay.. Ang dating sakin eh.. Gusto nyo ata akong mamatay ng maaga?" iritadong dugtong ko
"Alam mo ang patakaran, kinakailangan ng buong jalahi ang bagong tagapag mana" singit ni Laney "ang ama.. Bata pa lang sya ay hiniling na ng sentro na mag-anak sya.. Ngunit katulad mo na sa edad na bente pataas ay saka lang sya nag-anak" paliwanag nya pa "ngunit bente singko ang edas ng ama at ikaw ay bebte syete na"
"Kaya nga nag papatawag ako ng pulong para sa lahat hindi ba?" pasinghal na sagot ko "hindi nyo ako naiintindihan dahil hindi kayo ang mag-aanak, hindi nyo ba maintindihan ang sinabi ko nung huli tayong nag pulong hah?" buntong hininga ko, gusto kong maiyak sa inis "n-natatakot ako.. Oo papayag akong mag-anak syempre pero natatakot ako na baka... B-baka" hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng hawakan ni Gael ang kamay ko, pinakakalma ako
"Sorry" sabi ni Laney
"Meeting is done" mariing sabi ni Gael at nag tanguan naman ang iba "hey, it's ok" pag papalubag-loob saakin ni Gael, tumango lang ako at lumabas na rin
Mabigat ang loob ko na nag tungo sa kwarto ko at naligo, minadali ko dahil gusto kong mangabayo kaya't pagkalabas ay nag suot nalang ako ng black high waisted na short at white na t-shirt, naka tuck-in yun
Mabilis na pinatakbo ko ang kabayo at nakarating na ako sa syudad ay hindi pa rin ako tumitigil, marami ng sasakyan ang bumubusina dahil saakin
BINABASA MO ANG
Vampire's Love (VP2)
VampireAfter the wars the vampires will face a new life. A new heir will be born of a great mother