Kabanata 89

24 3 0
                                    

A/N: guys pasensya na kung puro tagalog ang part nato dahil feeling ko hahabaan ko ang part nato cuz.. *** nvm, thanks!

RHIAN'S POV

Tatlong buwan ng buntis ang reyna. Dahil matapos ng huli naming balita sakanya ay dalawang buwan palang syang buntis ngunit mabilis ang takbo ng oras. Tatlong buwan na syang buntis at sa lumipas na isang buwan ay palagi ng pumupunta si Gael sakanya

Pero nitong isang araw ay may masama syang balitang dala. Bago raw sya makarating sa Imwa Clan ay may lumusob sakanya. Marami at hindi nya maintindihan ng biglang may pumalibot sakanyang puting usok. At kung bakit may ipo-ipong namumuo sa palibot nya. Nang mawala raw yun ay nagulat sya ng nakabulagta na ang mga bampirang lulusob sakanya. At unti-unting nagiging abo

"Hindi talaga titigil ang mga rebeldeng 'yon?" iling ni Berdano. Kakatapos lang namin mag pulong

"Sana lang ay may patunguhan 'tong gagawin natin" malakas na bumuntong hininga si Francine saka nag pandekwatrong upo at pinag krus ang braso sa dibdib

Napag kasunduan namin na mag ha-hunt kami ng nga rebeldeng bampira. Kukuha kami kahit isang bampira lang at.. Tanging sila Gael, Berdano at Rica ang nakakaalam ng gagawin sa rebeldeng bampirang makukuha namin

"Teka, hindi ba't si Rhian at Berdano ang magkasama?" tanong ni Jaspher

"Oo? Bakit?"

"Tapos ako saka si Zep, at ikaw saka si.. Francine, tama?" litong sabi ni Jaspher

"Oo? Teka! Bakit ba?" napapakamot sa ulong tanong ni Mj

"At kasama si Ben sa mag ha-hunt hindi ba? So sino ang partner nya?"

Pagkatanong na pagkatanong nya ay lumitaw sa kung saan si Marco. Nakangisi at pula ang mata. Well ano nga ba ang aasahan ko sa tukmol na 'to? Lagi naman pula ang mata nyan, ni hindi man lang nag effort na ibalik sa normal. Ang dahilan nya ay bampira sya at hindi tao. Ang tao ay itim ang mata ang bampira ay pula kaya pula lang palagi ang mata nya

Bonak!

"Ako at saka si Ben ang mag kasama" sabi nya, ngingisi-ngisi habang may bahid pa ng dugo ang labi. Umiling ako at tumayo na kasunod ng iba

"Ako at si Berdano ang mag ha-hunt papuntang Imwa Clan. Jaspher at Zep. Papuntang syudad. Aagapay kayo kung aataki nanaman ang mga rebelde sa mga tao. Si Mj at Francine naman ay kung saan huling nang biktima ang mga rebelde. Habang sila Ben at Marco ay sa labas ng Imwa Clan mag ha-hunt" mahabang paliwanag ko

"Alam na ng nga rebelde na mahina ang reyna kaya hindi malabong sugurin nila ang Imwa Clan"

Sabay-sabay kaming umalis. Nauna na sila Jaspher pag kalabas ng palasyo dahil malayo pa ang tatakbuhin nila papunta sa syudad. Habang kaming mga naiwan ay nag tanguan pa bago mag kanya-kanya ng alis

Nasa ibabaw lang kami ng puno ni Berdano. Sa kainipan nya ay nginata pa ang halaman mula sa puno. Napailing nalang ako sakanya

"Tang inang buhay 'to ang pangit ng lasa! Pwe!"

"Sino ba kasi nag sabi sayong ngumata ka nyan hah?" Nakasandal ang ulo sa sanga ng punong tanong ko

"Eh ang tagal eh, ilang oras na tayo dito wala naman tayong napapa-"

"Sshh.."

Isinenyas kopa ang hintuturo ko sakanya ng may maramdamang paparating. Nag katinginan kami bago tumayo sa puno at mas umakyat pa para hindi kami makita

"Wag kang maingay" sita ko kay Berdano na ang ingay umakyat ng puno. Ngumisi lang ito bago kumindat. Gurang!

"Kailangan nyong mag madali" rinig kong sigaw ng nga rebeldeng bampira. Malapit na sila.

Vampire's Love (VP2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon