RICO'S POV
>>FLASH BACK<<
Ito ang huling araw ng burol ng ama, nandito kami ngayong lahat, nakapalibot sakanyang bangkay na ngayon ay nakahiga na sa kawayan, nakabalot ng itim na tela
Habang naka tindig kaming lahat ay unti-unti, nanginginig na lumalapit si Celeste sa ama, rinig na rinig namin ang napaka-hinang hikbi nya, bumaba sya para mahawakan ang malamig na kamay ng ama
"A-ama.." yun palang ang lumalabas sa bibig nya ngunit puno na ng emosyon, hirap na nyang sabihin "m-mahal na ma..hal k-kita" pumiyok pa sya, napatingala ako upang wag tumulo ang luha ko, saaming lahat si Gael nalang ang deretsong nakatingin sa nagaganap at walang ni kahit bakas ng pag-iyak, blangko lang ang muka "g-gumising kana please.." hagulgol ni Celes, napaiyak na ang iba "please.. Come back to me please!" malakas na hagulgol nya pa. Lumalabas na ang lahat ng emosyon sakanya "a-ang sabi mo.. H-hihintayin mo pa na a-ako ang mag..maging pinuno ng kalahi" lalo syang napaiyak bagaman malungkot na nakangiti
"Fuck this.." I whispered
"You fucking said that you're never leave me" sumbat ni Celeste "i-ikaw nalang y-yung n-natira eh. " bakas ang pang-hihinayang sa boses nya habang unti-unting dumadausdos sa sahig "ni hindi ka nag paalam.. Inilihim mo sakin yung nakita nyo ni Rica" nag tatampo na sabi nya, ngumiti sya at pinunasan ang luhka saka nuyakap ang ama
Nakakahabag silang panoorin, punong-puno ng emosyon si Celeste habang yakap ang ama, ni hindi nya na alam kung paanong iiyak. Ngayon.. Pareho na namin syang ulila.. Gusto kong sabihin sakanya na nauunawaan ko sya, gusto kong pagaanin ang loob nya pero alam kong hindi nya kailangan yun ngayon
"M-makakapag" namamaos, nauutal at umiiyak na aniya "p-pahi..nga" napayuko sya at natakpan ang muka "k-ka..kana" saka sya napahagulgol ng malakas. Napaiyak na rin ang iba dahil sa nakakahawa nyang emosyon, inakbayan ko si ate Rica na ngayon ay kulang nalang ay bumagsak sa lupa sa sobrang panghihina, si Gael naman ay nilapitan si Celeste upang ilayo na roon "huwag mokong hawakan!" malakas na sigaw at umiiyak na sabi ni Celes
Shit! Just fucking shit! I'm so mad and.. Angry and now, I want to kill someone but I know.. Wala saakin ang desisyon
Lumapit si Berdano hawak ang napaka talim na dalawang ispada, kuminang pa iyon ng matutukan ng ilaw, pumwesto sya sa ulunan ng ama. Napapikit ako ng mariin ng ipwesto nya ang dalawang ispada sa dibdib ng ama
"B-berdano please.. Please" pagmamaka-awa ni Celeste, pero simbolo ito ng pagiging dating pinuno ng Nosferatos at naiintindihan ko kung ayaw nya "please.. W-wag nyong gawin 'to.." patuloy sya sa pag-mamakaawa. Sigurado akong kung kaya nya pang tumayo ay gagawin nya ang lahat wag lang gawin ni Berdano ang nakaugalian "parang-awa mona.. W-wa..g"
Nakaka awa syang panoorin, ngayon lang sya nag makaawa ng ganito, ngayon lang sya lumuhod sa harap ng iba, ngayon lang nya ibinaba ang sarili
Ngunit hindi sya pinakinggan ni Berdano. Na kahit nahihirapan na rin si Berdano ay kailangan nyang gawin. Kasabay ng pag hiwa ni Berdano sa dibdib ng ama na pa ekis ay ang malakas na sigaw at hagulgol ni Celeste na syang nag paiyak sa amin lalo
"AMA!" malakas na sigaw at hagulgol nya
Kasabay nun ang pag yanig ng lupa at ang itim na usok, maging ang malakas na hangin.. Ang kapangyarihang itim ni Celeste ay nag paramdam nanaman
Bumagsak na sa lupa ang iba dahil sa panghihina habang si Celeste ay pinag susuntok si Gael na inaawat sya na yugyugin ng yugyugin ang ama, bagaman panay ang pag suntok nya sa dibdib ni Gael na lumuluha na rin ay alam kong walang lakas yun lalo na ngayon na alam kong hinang-hina sya
>>END OF FLASH BACK<<
Napangiti ako sa katotohanang hindi na ganun kalungkot si Celeste, kaya nya ng ngumiti ng hindi peke, kaya nya na ulit makihalubilo saamin, kaya nya na ulit tumawa tulad ng dati
Kung nandito ang ama, paniguradong higit ang kasiyahang mararamdaman nya. Sobrang mapagmahal ni Celeste, na sa sobrang pag mamahal nya ay ibabalewala nya kung ano man ang nagawa mong mali
Kahit kailan ay hindi ko nabalitaang nag-away ng malala si Celes at Gael
"Damn love, puro kalokohan tinuturo mo sa anak mo" asik ni Gael, humalakhak si Celeste na kandong si Caslem na inosenteng nanonood sakanila
"I'm not, over ka!" natatawang singhal naman ni Celeste
"Tsk! Hey son" kinuha ni Gael ang atensyon ng anak na ngayon ay hinihila ang sando ng mama nya " learn how to play basketball ok?"
"No" deretsong sagot ng anak
"Fuck, what do you want then?"kunot noong tanong ng papa nya
"Like mama!" proud at nakangiting sagot ni Caslem, napahalakhak si Celeste at nasapo ni Gael ang noo "she's so grave and strong, unlike you papa" busangot ng anak nila "puro ka porma kay mama, dika naman pinapansin" umirap pa ang anak nila
Nalaglag ang panga ng mga magulang nya habang kaming nakakarinig ay natawa nalang
"I like you too papa pero.. Kapag binuntis mona si ma-"
"Holy shit!" pigil ni Celeste "shit! Mali yun!" pamgangaral nya sa anak
"Pero mama! Gusto ko ng kapated! Pag hindi nyo ako bimigyan dun nalang ulit ako kay Adie" pag tatampo ng anak. Lumungkot ang mata ni Celeste, nasaktan sa inasal ng anak
"Listen, I could give you a young brother or young sister, pero baby.." malambing na ani Celes "natatakot pa ako"
"Mama it's just a joke! I understand naman po" mahinahon ngunit nakangiting sambit ng anak
"Pero malapit na ang birthday mo, mag si-6 kana, ang big boy mo na agad" ngiti ng papa nya "anong gusto mong gift?"
Sikap na sikap si Gael na mag tagalog para sa anak, palibhasa ay sanay may english dahil tumira sya sa U.S noon
"Uhm.. Horse! Papa gusto ko ng horse!" palahaw ni Caslem sa sobrang excited
"Hhmm? Then I'll going to buy a horse for my prince" ginulo ng papa nya ang buhok ng anak
"Uhm.. I want a, black and white horse"
"Black and white horse then!"
Hindi ko maiwasang mangiti habang pinanonood ko silang tatlo, ibang-iba na ang dating prinsesa. Ibang-iba na rin ang prinsipe, napaka responsable nilang magulang, bagaman hindi nila nakakasama ang anak ay alam kong mahal na mahal nila ito, nakikita ko iyon sa mga mata nila, nararamdaman ko iyon, kahit nawalay sila sa anak nila ng mahabang panahon ay alam kong hindi nag bago ang pag mamahal nila rito
Kahit hindi nila ito tunay na anak ay minahal nila ito ng husto. Itinuring na tunay na anak. Binihisan at pinakain, pinag tanggol at ngayon na buo na ulit silang pamilya, bumabawi ang dalawa sa anak nila dahil sa nasayang na panahon na hindi nila kasama ang prinsipe Caslem
BINABASA MO ANG
Vampire's Love (VP2)
VampireAfter the wars the vampires will face a new life. A new heir will be born of a great mother