Kabanata 75

21 2 0
                                    

CELESTE'5 POV

"ano na ang gagawin natin, ngayon na nag balik na ang tiyo mo at may kailangan kang gampanan" si Berdano

Nandito kami ngayon sa pulungan. Tahimik na nakikinig lang ako at nakatingin sa lamesa, kanina pa sila nag uusap-usap tungkol sa pag balik ng grupo ng tito kong hudlom. May naisip na ako pero hindi ko alam kung tamang desisyon ang gagawin ko

"Ano nang plano?" si Rico na gulong-gulo na rin

Oras na gawin namin ni Gael ang ritwal, ilang buwan akong mawawala dito sa palasyo, kailangan kong mag desisyon ng maayos, kailangan din ni Gael na mapunta sa tabi ko sa mga panahong wala ako dito. Pero anong gagawin namin ngayon? Natatanga nadin ako at hindi rin makapag desisyon, hindi bali sana kung maaring maiwan si Gael dito ay matiwasay kong iiwan ang palasyo ngunit hindi.. Si pinunong Norman na mismo ang nag sabi na kailangang kasama ko si Gael sa lahat ng oras simula ngayon

"Ikaw pa rin ang reyna, kailangan namin ng utos o plano mula sainyo" si Laney, I sighed

Bilang reyna nila ay kinakabahan din ako, hindi porke laging matapang ang tingin nila saakin ay hindi na ako natatakot o kinakabahan, kahit kailan hindi ako natakot para sa sarili ko. Kinakabahan ako ngayon para sa buong kalahi na maiiwan ko, ilang araw nalang ay aalis na ako. Kailangan ngayon pa lang ay may plano na kame

"Celeste, what is your plan?" Rica asked me and I looked at her

"Ikaw? Anong plano mo?" seryosong tanong ko, alam kong hindi ito ang tamang oras para tanungin sya tungkol sakanya pero gusto ko syang prangkahin "kailan ka mag sasabi saamin?" ibinali ko ng bahagya ang ulo ko at tinitigang mabuti ang mga mata nyang ngayon ay nangingilid na "may plano na ako" sagot ko sa tanong ng lahat ng narito

"Ate Rica? Anong ibig sabi-"

"Rico listen" mariing sabi ko

Hindi ko kailangan pwersahin si Rica na sabihin kung ano ang nakita nya dati.. Alam kong nakakita sya ng pangitain nung mga panahong nag swimming kame pero hindi nya lang sinasabe. Lahat ng pangitain importante, pero bakit hindi nya sinasabi saamin?

"Araw ng martes, gagawin namin ang ritwal, ngunit babalik kami ni Gael rito kinabukasan, araw nang huwebes, maaga pa lang ay babalik na kami rito para samahan kayong mag handa, Linggo, babalik ako ng Imwa clan, maiiwan ng tatlong araw pa rito si Gael" mahabang eksplenasyon ko

"Delikado ang plano mo" seryosong sabi ni Berdano "paano kung habang nag hahanda tayo ay.. Umipekto ang ritwal na gagawin nyo? Alam nating lahat na mabilis na eepekto yun" nababahalang sabi nya pa

"Kung sakali man mangyari yon, itinatalaga ko si Rica na syang mamumuno sainyo pansamantala" walang ano-ano'y sabi ko na ikinagulat ni Rica "dahil bukod kay Gael, ikaw ang mapagkakatiwalaan ko sa palasyo, kayong dalawa ni Rico" kaswal na ngumiti ako at tumayo "makakapag pahinga na kayong lahat, malalim na ang gabi" at nauna na akong lumabas

Kasabay kong lumabas si Gael, nakahawak sya sa likod ng bewang ko habang nag lalakad kami papasok sa lwarto ko

"You're going to sleep here?" I asked him, inumpisahan kong hubadin ang suot kong dress at kinuha ang roba sa kabinet saka dumiretso sa banyo

"Yeah, I really miss you" sagot nya at narinig ko ang pag bukas ng pinto ng banyo

Shit!

Buti nalang hindi pa ako nakakapag hubad! Bastos! Hinampas ko sya sa gulat at tumawa lang sya

"Sabay na tayo" mapang-asar na sabi nya

"Kingina ka! Labas!" nanggagalaiting sabi ko na tinutulak-tulak pa sya

"I'm just kidding! Ouch! Hey love it's hurt!-"

Kasunod non ang malakas na pag sara ng pinto ng banyo. I locked it and started to take a bath

Matapos nun ay nag bihis rin ako agad at nahiga na sa kama, inaantok narin ako. Normal sa mga bampira ang hindi natutulog pero napapagod na ako kaya't nakatulog din ako agad

Nangunit ang noo oo ng may maramdam akong malambot na dumadampi sa pisngi, leeg, tenga at labi ko! Napadilat ako at nakita ko si Gael na nakangiti na ngayon sa ibabaw ko, halatang kakatapos lang maligo

"I'm sorry for waking you up love" ang husky nyang boses ang sumalubong saakin, I smiled

"No it's ok-"

May kumatok sa pinto ng ilang beses kaya sabay kaming napatingin ni Gael dun

"Ma! I wanna sleep beside you" si Caslem!

"Hey son, come in" sabi no Gael at kasunod nun ay ang pag pasok nya, nilock ni Caslem ang pinto at tumabi saamin, binuhat kopa sya paakyat sa kama

"Anong pumasok sa isip mo at gusto mong tumabi matulog saamin huh?" nakangiting tanong ko, nag pout naman sya

"Sabi kasi ng tagapag sanay ko ay aalis kami, isang linggo po kaming wala" malungkot na kwento nya, napatingin ako kay Gael na ngayon ay nakangiti na kay Caslem

"It's ok son, malapit na matapos ang pag sasanay mo at.. Ang pag gamit naman ng punyal ang aaralin nyo sa susunod" ngiti ni Gael

"Nakakapagod po" naiiyak na sumbong pa nito, I hugged my son tight and kissed him on his cheek

"But it's ok, right?" pang-uuto ko. Mabuti pa ang pinag daanan nila Gael, may oras ng pag iinsayo, ngunit nung ako ang iniinsayo ng aking ina ay hindi ka kakain hangga't hindi mo natatapos ang ipinagagawa nya, may minsan pang hindi ka nya pinapatulog na kahit abutin ako ng pangalawang liwanag ay hindi sya titigil hangga't diko nagagawa ang pinagagawa nya

Ganun kalupit ang aking ina, kaya nung bata ako ay natatawa ako tuwing naalala ko na iniisip ko noon na hindi nya ako mahal dahil ang hirap ng nga pinagagawa nya

"Mama, sabi po nila, aalis kaayo ni papa" naupo ito sa kama kaya tiningala ko sya at nginitian

"

(A/N: guys sorry sa istorbo! Uhm, nalito po ako sa age ni Caslem so.. Lilinawin kopo na 6year old lang po sya. Yun lang thanks!)

"Opo, maiiwan ka dito kasama ang tito and tita Rica and Rico, it's that ok to you?" I asked him

"Saan po kayo pupunta? Matagal puba?" tanong nya ulit

"Matagal po, pasensya kana at iiwan ka nanaman ni mama ah? Your papa will come with me"

Ang bigat para saakin na iwan ang anak namin. Delikado na lumabas sya ng palasyo, lalo na ngayon na may banta nanaman. Isa syang prinsipe at napaka halaga nya saakin

"Ok lang po! Papa yung promise mo po saakin?" nakakunot ang noo na tanong ni Caslem kay Gael

"Oh that? I will fulfill my promise"

At natulog na kaming tatlo nang mag kakatabi. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin saakin kung sino ba ang tunay magulang ni Caslem, pero hindi naman na mahalaga yun, ang mahalaga ay yung ngayon, kami na ang itinuturing nyang ina at ama

Vampire's Love (VP2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon