Kabanata 94

12 1 0
                                    

CELESTE'S POV

Tatlong buwan. Yan nalang ang panahon na meron ako para magawa ko ang misyon ko. Tatlong buwan nalang ang hinihintay nila at habang lumilipas ang segundo ay pabawas ng pabawas ang oras na mayron ako

Ilang buwan nalang rin at masisilayan kona ang bata sa sinapupunnan ko. I want to see the baby right now but still I need to wait three more months

Hindi ko alam kung kailan ako makababalik sa oras na mangyari iyon, hindi ko alam kung makakabalik panga ba ako kung mangyari nga man iyon. Ngunit nais kong siguruhin ang kaligtasan nilang lahat bago pa mangyari ang bagay na iyon

"Mahal na reyna, nagawa ko na ang ipinagagawa nyo" makalipas ang tatlong araw, nag balik si Berdano

"Good. For now ay mag pahinga kana muna" tumayo ako sa trono ko at sinabayan sya mag lakad patungong silid nya "nakita mo naba si Rhian?" tanong ko sakanya, nilingon nya ako bago sya lumingon sa paligid

"Grabe, kakabalik ko lang, may iuutos nanaman kayo? Kumalma ka, madami kang pwedeng utusan hindi lang ako" reklamo nya agad, tinitigan ko sya at siniringan

"Tangina mo" matigas na ani ko, tinalikuran na sya at nag simula ng mag lakad. Lalo lang akong nainis ng marinig ang tawa nya

"Just kidding! I saw her with Rico" sigaw nya bago ko naramdaman ang pag lamig ng hangin hudyat na ginamit nya ang bilis nya upang makarating sa patutunguhan

Am I really a vampire?

Sa kagustuhan ko na mamuhay kami katulad ng ibang normal na tao ay ito ang kinahinatnan. Imbis na nag wawaldas ng pera, nag sasaya at nagagawa ang lahat ng gusto namin ay narito kami sa tagong bundok, nakatayo ang malaki at magarang palasyo upang hindi matunton ng mga mortal

Dumiretso ako sa silid ko at naabutan kong natutulog si manang Neri ron. Kahapon lang sya dumating at ako agad ang pinuntahan nya rito ng makarating sya

"Manang.." pag gising ko sakanya. Agad syang nag mulat "hindi kona ho kayo kailangan rito, ipapahatid ko kayo sa kwarto nyo" sabi ko, tumayo sya at inilingan ako

"Hindi na kailangan" nakangiting tanggi nya, tinanguan ko nalang sya

"Nariyan na ho sa labas ang kawal na mag hahatid sainyo" ngisi ko ng makita ang pag ngiwi nya

Naupo ako sa malambot kong kama at napatitig sa kung saan. Nakasanayan kona ang matulala kapag nag-iisa ako. Madalas na pakiramdam ko ay ang sama ng loob ko sa t'wing kinakain ako ng katahimikan at lungkot

Tumayo ako sa kama at nag bihis. I was wearing a black dress with a fang design on the chest and I wear a black heel boots when I go out to my room and go to my throne. I feel like I am a real queen

Ganito pala kapag dinadama mo ang pagiging reyna. Masarap sa pakiramdam na alam mong may gagawa ng mga bagay na gusto mo. Na mayroon kang mauutusan. Noon kasi ay mas nanaisin kong gawin ang gusto ko kaysa ipagawa sa iba kahit pa ako ang prinsesa noon

I stared at the vampires who is here. Nodding at me. Nakagat ko ang labi at napatingin sa isang gilid. There he is, watching me from a far, starig at me with so much emotion. He then look at my tummy and he sigh

Napatingin sya saakin ng hawakan ko ang tyan ko. Ang laki nya, limang buwan na. Grabe ang bilis ng panahon. I'm already five month pregnant

Tumayo ako na hindi na dapat. Biglang nanlabo ang paningin ko sa hindi ko alam na dahilan. Nanlalamig bigla ang pakiramdam ko. Bumigat rin ang pag hinga ko. Humapdi ang tyan ko kaya napahigpit ron ang kapit ko. Nagdidilim ang paningin ko habang umiikot ito

'Celeste, dear' I heard a familiar voice suddenly 'they're coming, you need to fight'

Yun ang paulit-ulit na naririnig ko sa utak ko. Sumasakit na ang ulo ko. Pakiramdam ko ay binibiyak yun sa sobrang sakit. Gusto kong iuntog ang sarili ko na parang sa paraang yun ay mawawala ang sakit

Vampire's Love (VP2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon