Night Asher Crimson
Ang saya-saya ko ngayon, hindi ko alam pero simula nang malaman ko na katabi ko pala si Myob dito sa jeep ay parang ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko kahit na may pagkamasungit ang isang ito.
Kasalukuyan naming binabaybay ang daan papunta sa Edreid Village, sasama muna ako sa kanila total naman ay medyo may kalapitan ang Liread Village sa Edreid, at isa pa ang mga kasama ko ay paniguradong mahuhuli pumunta ang mga 'yun dito.
Ito ang pang anim na taon ko rito na kukuha ulit ng dorm. Halos lahat na yata ng dormitories dito ay natirahan ko na ngunit hindi pa rin nag-iiba ang lugar at ang maging daan papunta sa mga 'yun. Kung ano ang dinatnan ko rito nung highschool pa lamang ako ay ganun pa rin hanggang ngayon, puro puno pa rin at mga palayan at kakaunting bahay kubo.
Ang una kong village noon ay ang Nymorin Village, village 'yun para sa mga first year at second year high school habang ang pangalawa naman ay ang Nymoris Village na para naman sa third year at fourth year high school. Malalagpasan namin ang dalawang village na iyon dahil higit na mas malayo ang para sa mga college.
"Nymorin Village?" Mahinang bulong ni Myob sa tabi ko at nakatingin sa gawi ng driver kung saan makikita ang malaking entranda ng Nymorin Village kung saan nakaukit sa itaas ang pangalan ng village. May mga iilang estudyante ang naglalakad dito at ang iba naman naghihintay ng masasakyan.
Ganun pa rin ang itsura nito, maraming halaman at bulaklak sa gilid ng entrada at may mga pailan-ilang halaman na rin ang pumupulupot sa malaking entrada nito.
"Village for highschool students." Maikling paliwanag ko sa kaniya at tiningnan naman ako nito habang nakakunot ang noo.
"Ilang village ba ang mayroon dito, bakit wala 'yan sa lilibutin natin?" Tanong nito na halatang naguguluhan, kahit ako man ay maguguluhan din kung bagong salta lamang ako rito, sa laki ba naman ng unibersidad na ito.
"There are total of 5 villages here and 2 buildings. 'Yung dalawang village: Nymorin at Nymoris ay para lamang sa mga high school, and you know the rest." Paliwanag ko.
"Heh? How come wala akong nakikitang highschool sa campus natin?" Tanong pa niya at nahihiyang napangiti na lamang ako. Hehehe, she doesn't know yet na may isa pang campus, which is nasa pagitan ng building namin at scb ang daan papunta roon.
"Well, there's another campus, but we can't go there. Unless we will visit someone." Sagot ko sa kaniya at nilaro-laro naman niya ang lapis na hawak niya sa kaniyang kamay na tila ba nag-iisip.
"Posible kayang nasa ibang mundo na tayo?" Biglang tanong nito sa akin at napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa kaniyang tanong. Paano naman kami mapupunta sa ibang mundo?
"Why?"
"Nothing, para lang kasing ang weird kung sa loob ng university ay may small community." Tugon niya at itinusok ang pamburang bahagi ng lapis sa kaniyang noo.
Hindi lang pala masungit ang babaeng ito kung hindi pati na rin mapag-imbestiga at sa tingin ko labis-labis ang kaniyang kuryusidad sa university na ito.
"Pero pwede rin namang nasa gitna lamang ang university natin tapos binili lang ni Mr. Gunter 'yung mga lupain na 'yun." Pagtaliwas niya sa nauna niyang ideya at halos mahulog ako mula sa kinauupuan ko nang tumingin ito sa akin.
"Gusto kong libutin ang buong lugar na ito." Seryoso niyang sabi sa akin at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa kaniya. Hindi sapat ang isang araw para libutin ang lugar na ito kahit na may sasakyan na dala at higit pa roon, may mga ipinagbabawal na lugar dito.
Ang kwento rito ay marami raw pumapatay sa mga masusukal na kakahuyan na mayroon dito kaya hindi basta-basta pwedeng libutin ang lugar na ito nang mag-isa lalo na kung walang kapangyarihan dahil ang mga pumapatay raw ay may mga kapangyarihan, pero kwento-kwento lamang iyon, wala naman kaming nabalitaan na may ganun.
BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasyCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...
