Rei Xiu Degenhardt
Friday na ngayon at kasalukuyan kong hinihintay ngayon ang mga kaklase ko na kasama ko para sa student council meeting. Alas otso pa lamang ngunit marami na ang mga estudyante na naglalakad sa may quadrangle at sa mga building dahil mula rito sa aking kinauupuan ay nakikita ko ang mga estudyante sa labas.
Ang sabi nila ay magkikita-kita kami sa Student Council Building kaya narito lamang ako sa canteen at nakaupo, naghihintay sa kanila.
Nasaan na kaya sila? Sana naman ay wag silang ma-late dahil kanina pa ako rito noh. Nakakahiya nga kay Brent dahil sinundo niya ako sa bahay ng saktong 7 am at dumating kami rito sa school ay halos 7:40 am na nun, samantalang ang pasok niya ay mamayang alas-nuebe pa.
Speaking of Brent, nasaan na ba ang lalaking iyon? Natagalan yata, nag paalam lang siya sa akin na may ipapasa lamang na assignment at babalik din kaagad, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya, baka na-busy na.
Habang naghihintay ako rito ay hindi ko maiwasang maisip si yaya Anna, kahapon ay ganun pa rin ang kaniyang ikinikilos, natatakot na ako sa kaniya, may mga oras na mailap siya sa akin at pagkatapos ay parang magiging malambing.
Katulad na lamang kahapon ng umaga, nagising ako sa kama ko at nakita ko na nakatayo siya sa gilid ng kama ko at walang emosyon na nakatingin sa akin, nang makita ko ang reaksyon niya ay bigla siyang ngumiti nang nakakatakot, tila ba mapupunit ang kaniyang mukha nang ngumiti siya.
Pagkatapos nun ay binati niya ako ng Magandang umaga at sinabing nakahanda na ang pagkain, kahit na takot na takot ako ay nanatili pa rin akong kalmado dahil baka iyong masamang element lamang ang nananakot sa akin dahil ang sabi ni mommy sa akin ay mukang may nakapasok sa barrier namin.
"Hey, I'm back." Rinig kong sabi ng kararating lamang na si Brent at ibinaba ang dala-dala niyang bag sa mesa at humatak ng isang silya malapit sa akin at naupo. May dala-dala rin itong dalawang supot at may canister sa loob.
Tiningnan ko lamang siya na ilabas ang mga canister sa supot na dala-dala niya at ang isa ay iniwanan niya sa supot.
"This is your lunch, eat this there." Saad nito sa akin at iniabot ang supot na may lamang canister. Nahihiya man ay kaagad ko pa rin itong tinanggap.
"Salamat, nag-abala ka pa." Tugon ko sa kaniya at walang kaemo-emosyon naman akong tiningnan nito.
"You're welcome." Sagot nito sa akin at natawa na lamang ako at siya naman ay binuksan ang dalawang canister na kaniyang inilabas at iniabot ang isa sa akin matapos niyang buksan ito.
Tofu with black bean na naman ito at ang sa kaniya ay pochero na paborito ko rin. Kilalang-kilala na talaga ako ng lalaking ito. "Eat." Tipid na sabi nito at nagsimulang kumain kaya kinuha ko naman ang kutsara at tinidor na nasa loob ng canister at kumain na rin.
Tahimik lamang kami na kumakain ngunit ang paligid namin ay medyo maingay dahil sa mga estudyante na naglalakad dito at ang iba ay kumakain din habang nag-uusap. Medyo nakakapanibago lamang dahil nasanay ako na kumain sa tahimik na lugar ngunit ngayon ay iba na ang sitwasyon.
"So, how's yaya Anna?" Tanong niya sa akin habang ang tingin ay nasa kaniyang pagkain pa rin.
"Gets weirder by day." Sagot ko sa kaniya at hindi ko maiwasang kilabutan kaya nabitiwan ko ang hawak-hawak kong kutsara at tinidor dahilan upang tumingin ito sa akin.
"You seem terrified, are you okay?" Nag-aalalang tanong nito sa akin at inihinto ang pagkain at hinawakan ang balikat ko. "Just tell me if you want to go home, I'll drive you." Pagvo-volunteer pa nila at marahan akong umiling-iling. I have a responsibility to do here and isa pa pag umuwi ako ay makikita ko lamang si yaya at baka atakihin pa ako sa puso kapag makita ko siya.
BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasyCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...
