Rei Xiu Degenhardt
"How are you feeling?" Usisang tanong sa akin ni Brent habang nagmamaneho at ako naman ay abala sa pagdra-drawing.
"Feeling good." Maikling sagot ko at naramdaman ko naman at pagdapo ng kamay niya sa aking ulo at marahang ginulo iyon. Nakalugay ang aking buhok ngayon dahil ang uniform naming ngayong Wednesday ay regular uniform.
"You goofy! Kamusta na 'yang mga sugat mo." Asik nito sa akin habang natatawa at ibinalik na ang atensyon sa pagmamaneho. Ako naman ay napairap na lang dahil sa kaniyang kakulitan, kung hindi ko lang ito kababata ay baka nasipa ko na siya palabas ng sasakyan niya.
Welp, wala naman akong masyadong nararamdaman sa sugat ko, pakiramdam ko nga ay wala na akong mga sugat, pero kung titingnan ay nandito pa rin ang bakas ng mga sugat ko at tahi.
"Wala, sugat pa rin." Pilosopo kong sagot ko sa kaniya at bahagyang natigilan nang may mapansin akong isang pamilyar na pigura sa gilid ng kalsada ngunit sa bilis ng takbo naming ay hindi ko ito namukaan nang buo. Nakatayo lamang siya roon at nakatingin sa akin. Nakakakilabot.
"Nakita mo ba 'yung babae?" Tanong ko sa kaniya matapos naming makalagpas sa babaeng nakita ko.
"Anong babae?" Tanong nito sa akin at tiningnan ako. "Saan?" Tanong pa niya at tumingin sa front mirror at side mirror saka muli akong nilingon at nakakunot ang noo. "Hindi kaya namamalikmata ka lang?" Tanong pa nito sa akin at aking inihilig ang ulo sa nakasarang bintana ng sasakyan.
"Marahil nga." Buntong hininga kong sagot sa kaniya.
"Sa ganitong umaga maraming naglalakad dito sa kalsada lalo na at namamalengke ang iba." Paliwanag nito sa akin ngunit hindi ko makumbinsi ang sarili ko na maniwala sa kaniya sapagkat iba ang pakiramdam ko sa nakita kong babae roon.
Hindi ko man nakita ang kaniyang buong mukha dahil natatakpan ito ng kaniyang buhok ngunit nahagip nang mga mata ko ang kanang mata niya na matalim na nakatitig sa akin, tila ba tumatagos ang tingin niya sa akin sa bintana.
"Pero may sariling daanan ang mga namamalengke, hindi sila daraan dito sa daanan ng mga sasakyan." Pag-taliwas ko sa kaniyang ideya dahil hindi ako madalas nakakakita ng mga taong dumadaan dito sa daanan ng mga sasakyan.
"Malay mo napadaan lamang siya—teka bakit ba? Parang takot na takot ka." Alalang tanong nito sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Dagdag pa niya.
"Ayos lang ako, natakot lang siguro ako sa itsura nung babae." Sagot ko sa kaniya at hindi na muling tumingin sa labas at baka mamaya ay kung ano pa ang makita ko. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagdra-drawing at biglang may sumagi sa aking isipan.
Iguguhit ko na lamang ang itsura ng babaeng iyon. Nakasuot siya ng itim na bestida, na natatakpan ang kaniyang tuhod at nakalugay ang buhok nito kaya natatakpan nun nang bahagya ang kaniyang mukha at tanging mata niya lamang ang nakikita.
Ilang minuto nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at tanging ingay lamang ng makina ang aking naririnig. Buti na lang at hindi masyadong matagtag ang kaniyang pagmamaneho kaya nagagawa kong mag guhit nang maayos.
"Do you mind if I ask?" Tanong nito sa akin dahilan upang mabasag ang katahimikan na namuo.
"What?" Pabalik na tanong ko sa kaniya at ang atensyon ay nasa iginuguhit ko pa rin.
"How did you know Asher?" Sagot nito sa akin at bahagyang kumunot ang aking noo. Who is Asher?
"Who's he?" Litong tanong ko sa kaniya.
"That guy who was with you last night." Diretsong tanong nito sa akin at batid ko ang pagkaseryoso sa kaniyang tono. Fine, I won't pull any pilosopong sagot.
BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasiCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...
