Heart Denise Caskblade
Lumapit ako sa kaniya at akmang sasampalin ko ito ngunit may biglang sumulpot sa pagitan namin at hinarangan si Migo dahilan upang siya ang masampal ko at hindi si Migo. Sino naman itong babaeng humarang na ito? She's getting on my way!
"Better to leave this floor, lad." Rinig kong utos ng babaeng humarang at sumalo ng sampal ko na para dapat kay Migo. Pamilyar ang boses nito kaya bahagya akong napaatras upang pagmasdan ang itsura nito. Nahaharangan ng itim niyang buhok ang kaniyang mukha habang ang uniporme nito at iba sa uniporme namin dahil silver ang linya sa damit nito na batid kong architect ang kaniyang kurso.
Ilang saglit pa ay rumehistro sa aking utak kung sino ang aking nasa harap, shit, si Kyme 'to! Ano namang ginagawa ng babaitang ito dito? Nang marinig ni Migo ang sinabi ni Kyme ay kaagad itong umalis at nawala sa paningin namin.
Si Kyme naman ay hinawi ang kaniyang buhok at isinakop ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa kaniyang tainga. "Hi, Deni." Nakangiting bati nito sa akin dahilan upang mapaatras ako at siya namang paghakbang.
Ano ba kasing ginagawa niya rito?
"I see you're trying to bully someone..." Makahulugang sabi nito at hindi ko hinayaang makaamoy siya ng takot sa akin kaya itinaas ko ang kaliwang kilay ko at inirapan siya.
"So you care about that guy?" Pang-aasar ko sa kaniya at kita ko sa mukha niya ang pagkainis.
Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong atakihin at huli na ng aking mapagtanto na sakal-sakal niya na ako at nakadikit ako sa pader. "Don't act innocent, you knew that guy, Denise!" Asik nito sa akin at mas hinigpitan pa ang pagkakasakal sa akin. Nahihirapan na akong huminga dahil sa kaniyang ginagawa, wala talagang pinagbago ang isang 'to.
"Le—let me—me go, K-k-kyme!" Hinihingal kong pakiusap sa kaniya. This shouldn't happen, this wasn't meant to happen at this moment! Bakit ba kasi sumusulpot kung saan-saan ang babaeng ito?
Hindi ito umimik at ilang saglit pa ay binitiwan niya na ako dahilan upang bumagsak ako sa sahig at mag-uubo nang mag-uubo.
"Tell me, what do you want from him." Tanong nito sa akin hindi alintana kung nahihirapan na akong huminga dahilan upang tingnan ko siya nang masama.
"He wants Rei to be his friend." Sagot ko sa kaniya at hinahabol pa rin ang aking hininga. I shouldn't mess with Migo. Tsk.
"Rei? You mean Rei Xiu?" Tanong nito sa akin at umupo upang pantayan ang level ko, tumango na lamang ako sa kaniyang tanong.
Laking gulat ko ng bigla niyang hawakan ang baba ko at marahas na itinaas iyon upang magtama ang aming mga mata. Nakakatakot talaga ang kaniyang mga mata, parehas na parehas kay ama.
"Let that lad be friend with her." Mariing sabi nito sa akin at para bang kinukuha niya na ang aking kaluluwa sa pamamagitan ng pagtitig pa lamang niya sa akin. "That Rei Xiu girl is trying to steal my Night from me." Dagdag nito at diniinan niya pa ang pagkakahawak sa baba ko dahilan upang mapapiglas ako ngunit hindi pa rin ako makawala sa pagkakahawak niya.
"So now, you better keep your little friend away from my Night... otherwise I will have to kill you and her." Pagbabanta nito sa akin at marahas akong binitiwan dahilan upang matumba ako sa sahig at siya naman ay naglakad na papalayo.
"Wait! Hindi ba at suspended ka? What are you doing here?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya dahil ang sabi ni ama ay hindi siya pwedeng pumasok sa loob ng tatlong linggo, pero anong ginagawa niya rito?
"Hahaha! Don't worry, I'll leave as you wish." Tumatawang sagot nito at tuluyan ng naglakad papalayo.
Hindi ko maiwasang maluha dahil simula pagkabata pa lamang ay lagi akong nasasaktan nang ganito at nabubully, ngunit nang makilala ko si Rei Xiu ay nag-iba 'yun. Ipinaramdam niya sa akin na kahit hindi kami magkadugo ay ang turing niya pa rin sa akin ay parang kapatid na kahit na minsan ay kinaiinisan niya na ako, at kahit pa inaagaw niya ang lahat sa akin noon.
BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasyCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...
