01

26.3K 682 98
                                    

Here's the first chapter! Enjoy guys! Mwah!!!
______________________________________

Rizzel

"Apo, mag-iingat ka doon ah." Napangiti naman ako

"Opo Lola, ako pa ba?"

"Oo nga naman La, si Riz pa ba." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"At ikaw! Alagaan mo si lola, baklang toh."

"Oo naman! Kailan ko ba pinabayaan si lola aber?" Binelatan ko lang siya.

"Naku, kayong mga bata kayo oh, o siya Rizzel, ika'y sumakay na at baka maiwanan ka pa."

"Korek ka diyan la, madalas pa namang iwanan yang apo mo" pinandilatan ko naman siya ng mata.

"Gaga! Ikaw talaga, naku sinasabi ko sayo Niko."

"Huwag mo ng sabihin, susunod rin naman kami ni lola sayo." Napabunting-hininga naman ako.

"Eh bakit kasi hindi nalang kayo sumabay?"

"Eh kung yun pala ang gusto mo, edi tara! Money down agad couz." Mahina naman akong natawa at binatukan siya.

"Gaga ka talaga kahit kailan."

"Tama na nga yan at baka saan pa aabot yan. Wala pa namang may nagpapatalo sainyo."

"Aba, dapat lang la, nagmana kami sayo eh dahil--

"Matinik man ang matsing naiisahan rin!" Natawa ako ng sabay namin inying binanggit.

"Kayo talaga oh, sige na Rizzel, mag-iingat ka doon ah, tumawag-tawag ka dito kay Niko para makapag-usap tayo." Napangiti ako at niyakap si Lola.

"Mag-iingat rin po kayo dito La, kayo pong dalawa ni Niko, kung ayaw niyong bigla-bigla nalang akong uuwi dito."

"Gaga, gastos pamasahe rin yun, sampalin kita ng left to right eh."inirapan ko lang siya.

"Mauna na po ako, Niko ah!"

"Oo na couz."

Huminga ako ng malalim at sumakay na sa bus.

Kumaway ako ulit sakanila mula sa bintana at pinandilatan ng mata si Niko.

Susunod rin kayo saakin...

Ngumiti ako at umayos ng upo ng magsimula ng tumakbo ang bus.

____________________.

"--at dito naman ang cr." Napatango-tango ako.

"Salamat talaga Gab ah." Ngumiti naman siya at kinindatan ako.

"Im happy to help Riz, tsakaz kailan ba susunod sila lola dito?" Kababata namin si Gab doon sa probinsiya.

Umupo naman ako sa upuan.

"Sa susunod na linggo siguro, kapag nakuha na ni Niko ang panghuling sweldo niya." Napatango naman siya.

"Kamusta pala ang baklang yun?" Mahina akong natawa.

"Ayun, nagsisipag parin." Napailing-iling naman siya.

"Panibagong hanap ng trabaho naman." Napatango ako at napabuntong-hininga.

"Kailangan naming kumayod para sa gamot ni lola atsaka alam mo naman Gab na kapag may mangyari man sakanya, na sana wag naman, alam naming mas matutulungan siya dito." Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko.

"I understand, so pano ba, mauna na ako ah." Inihatid ko na muna siya sa may pinto bago inilibot ang tingin ko sa bahay.

Clean up time!





























Bachelor Series 6: The Doctor's wheeze [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon