05

14.7K 494 32
                                    

Rizzel

Panibagong araw na naman.

Napainat ako at napatitig lang kay Reofe na kanina pa kuda ng kuda.

"Hoy gurl! Nakikinig ka ba?" Ilang beses akong napakurap at umayos ng upo.

"Ehem. Oo naman." Napataas naman siya ng isang kilay na ikinangiwi ko.

"Talaga? Anong sinabi ko aber?."

"Ahmn." Napakamot ako sa batok ko at alanganing ngumiti sakanya.

"You we're talking about Seith right?" Napailing-iling naman siya.

"Grabe ka, hindi naman ako 'ganun' kabaliw kay Seith. Ikinukwento ko yung doctor na inassist ko kanina, haaaays, ang gwapo niya talaga." Ipinatong niya ang kamay niya sa mesa habang nakatingin sa itaas na parang nagdedaydream.

"Hoy gaga, kala ko ba Seith ka na." Napairap naman siya sabay kunwaring nagflip hair.

"Of course, mahal ko ang gagong yun noh, pero hindi naman siguro masama na dahan-dahan ko namang ibaling sa iba yung paningin ko kesa sayangin sa taong kahit bilang kaibigan lang sana, diba? Pero hindi ko sinasabing agad-agad ah, it takes time syempre." Napabuntong-hininga naman ako at tipid siyang nginitian.

"Reofe..."

"Hmn?" Sagot niya habang ngumunguya.

"Gaano ba kahirap?." Napakunot-noo naman siya.

"Gurl, specific naman, ang dami kong naiisip na sagot sa iisang tanong mo eh." Natawa ako at uminom na muna ng tubig bago ulit tumingin sakanya.

"What I mean is, gaano kahirap yubg sitwasyon mo?."

"Specific mo ulet jusq." Marahas naman akong napakamot sa buhok ko at huminga ng malalim.

"Gaano ba kahirap magmahal ng taong iniiwasan ka na parang may nakakahawa kang sakit?" Napatigil naman siya sa pagsubo at seryosong napatingin saakin.

"Well, hindi ko alam. Hindi kasi siya tulad sa mga laro na may easy, normal or difficult. Mahirap siya pero hindi mo masasabi kung gaano kahirap, gets mo? Sorry hindi ko rin nagets eh hahaha." Napatampal naman ako sa noo ko.

"Reofe?!." Natatawang napairap siya at pinagsiklop ang kamay niya sa ibabaw ng mesa.

"Sobrang hirap siya gurl, hindi ko masasabi kung gaano kahirap pero siguro sapat na yung sakit na nararamdaman ko para masabi mong hindi madali ang nasa sitwasyon ko." Napangiti naman ako at tumango.

"Matagal ng magkakilala si papa at si tito, Seith's father. Nailigtas ni papa noon si tito sa gumuguhong tuloy, pero si papa naman ang napuruhan. Kailanman hindi nanghingi ng kapalit o bayad si papa, ganyan naman talaga ang ginagawa ng isang kaibigan diba? Si tito lang talaga tong mapilit na utang niya raw ang buhay niya kay papa at hindi ito matutumbasan ng kahit anong halaga." Nakangiti siyang napabaling sa kawalan.

"Maliit palang ako noon ng magkakilala kami ni Seith. But as we grew up, naging distant na kami sa isa't isa, lalo na nung umamin ako sakanya. I knew Seith since I was a kid, at kahit hindi kami close, marami akong alam tungkol sakanya." Napatigil siya at tumingin saakin ng may bahid na sakit sa mata niya.

"You're really beautiful Rizzel." Napakunot-noo naman ako.

"What's with sudden change of topic Reofe." Pero ngumiti lang siya at kumain na ulit.

Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin saakin.

"I hope Im not bothering something?" Napaangat ako ng tingin.

"Hi." Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.

"Bakit?"

"Pwede ba kaming makiupo?" Napatingin naman ako kay Reofe na tulala.

Bachelor Series 6: The Doctor's wheeze [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon