GOOOOOODMORNING EVERYONE! ENJOY READING!
______________________________________Rizzel
Kakatapos lang ng shift ko at eto na nga pauwi na ako. Napainat ako at papara na sana ng masasakyan ng tumunog ang phone ko.
Sinagot ko ito agad ng hindi man lang tinitingnan ang caller, kasi alam ko namang si Niko toh.
"Ni--
"Wait for me." Napakunot-noo ako at dali-daling tiningnan ang caller. Napatampal naman ako sa noo ko.
"Asan ka ba?."
"Wait" napaatras ako ng may sasakyang tumigil sa harapan ko.
"Hop in." Sasakay na sana ako sa backseat ng magsalita ulit siya sa phone
"Im not your driver Rizzel." Napabuntong-hininga ako at mariing pumikit.
"Faster."
"Eto na letse." Agad kong binuksan ang passenger seat at sumakay.
"Hi." Tipid ko lang siyang nginitian at ipinasok na sa bag ang phone ko.
"San ba tayo?"
"Hmn." Napatingin naman ako sakanya na kampanteng nagdadrive lang.
"Excuse me Mr. Boromeo or Doctor Boromeo, pero pwede ko bang malaman kung saan moko dadalhin?"
"I just want to unwind a little bit at wala akong kasama." Napasandal naman ako sa upuan.
"K fine."
"It looks like you dont like me at all."
"Hindi naman talaga."
"You're way too honest Rizzel."
"Alangan namang magsinungaling ako eh wala naman akong mapapala doon."
"Hm-mn I like it."
"Thank you." Peke ko siyang nginitian.
Hindi ko alam kung bat ganito ang pakikitungo ko sakanya, basta ang alam ko, hindi ko siya gusto, periodt!
"Here we are." Pinark niya muna ang kotse niya mago tumingin saakin.
"Rizzel Arcillas, a nurse right?"
"Yes, bakit?"
"Nothing, nagtatanong lang." Ngumisi muna siya bago lumabas. Sumunod naman ako at matalim siyang tiningnan.
"I dont drink Mr. Boromeo"
"Alex will do." Napakibit-balikat ako at sumunod lang sakanya.
"Saan ka ba pupunta eh doon ang daan papasok sa bar ah?"
"I have my own entrance and exit here Rizzel, kaya sumunod ka nalang." Napailing-iling naman ako. Rich people.
"After you?" Napailing-iling ako at nauna ng pumasok. Namangha ako pagkapasok ko at inilibot ang tingin.
"Maganda?" Tumango naman ako.
"Dito ako tumatambay kapag gusto ko mag unwind o uminom." Tinaasan ko siya ng kilay at nginisihan.
"May kulang ata." Napakunot-noo naman siya
"What?"
"Magpalabas ng init, sus doc, alam ko na ang mga ganyan." Natawa naman siya.
"Mukha ba akong babaero?" Tumango naman ako.
"Yes." Napaismid naman siya.
"Minsan pala hindi maganda yung sobrang honest." Mahina naman akong natawa at umupo sa couch.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 6: The Doctor's wheeze [BXB] COMPLETED
General FictionBoromeo thinks he could get anything he want not until Rizzel came in the picture. Hindi siya nadadala sa mga simpleng galaw ng isang Hot Doctor. Here comes Boromeo thinking that he step something. His ego. His prideful mind works again. But, it is...