19

13.3K 469 84
                                    

And another one HAHAHA

______________________________________

Rizzel

Napasubsob ako sa mesa habang hinihintay matapos magluto si Niko.

"Bored na bored?" Napabuntong-hininga naman ako at napainat.

"Labas muna ako ah." Tumango lang siya at nagfocus na ulit sa pagluluto kaya agad naman akong tumayo at naglakad palabas ng bahay habang humihikab.

Ang aga kong nagising ngayon, di ko alam bakit kaya ginising ko narin si Niko kasi why not diba?

Napailing-iling naman ako sa naiisip ko pero agad ring napakunot-noo ng may sasakyang nakapark sa harap ng gate namin.

"Gara ng kotse ah, pero familiar siya." Dahil maaga pa nga ay medyo madilim pa kasi hindi pa lumalabas si haring araw.

Dahan-dahan ko namang binuksan yung gate naming sira-sira narin at naglakad papunta sa bintana ng driver's seat.

"Letse, tinted." Napabuntong-hininga naman ako at kinatok ang salamin ng kotse.

Aba, magwawalis pako dito tas paharang-harang kotse niya.

"Kuya, pwede ho bang sa iba nalang kayo magpark?" Patuloy parin ako sa pagkatok. Tinigil ko lang ng dahan-dahang bumaba yung salamin.

"Alexis?!" Napaatras naman ako nang bumukas ang pinto. Kunot-noo kong pinasadahan ang ayos niya.

Gusot ang damit, anggulo ng buhok, namumula ang mata, at parang pagod na pagod.

"Kitty." Maagap ko naman siyang inalalayan nang muntik na siyang mawalan ng balanse

"S-sandali nga, a-ang laki ng katawan mo kaya k-konting pakikisama lang please, kahit sa l-loob na ng bahay ka mawalan ng malay." Mabilis ko naman siyang inakay papasok sa bahay.

"Oh couz, ano yung---omy!." Masama ko naman siyang tiningnan.

"P-pwede bang tumulong ka nalang, letse ka." Inirapan niya muna ako bago tulungang alalayan pahiga si Alexis sa couch naming de kawayan.

"Pwedeng nag-init ka ng tubig Nik?" Napangisi naman siya at napakibit-balikat bago nagmartsa papuntang kusina.

Napailing-iling nalang ako at kumuha ng malinis ng towel at malaking sando sa kwarto namin.

"Ano ba naman kasing ginagawa ng gagong ito dito, tsk." Isa-isa kong inalis ang pagkakabutones ng polo niya, sakto namang dumating si Niko dala-dala ang basin na may mainit na tubig.

"Warm water yan ah, di gaanong mainit, di gaanong malamig. Ako na yung nagpakacommon sense couz, maawa ka naman sa tao, mainit na tubig talaga ipupunas mo diyan? Sayang naman yung kutis ni fafa Alexis." Pinandilatan ko siya ng mata at tinulak na paalis.

"Oo na, grabe toh, kahit inaway-away mo ang doctor na yan, di ko parin yan aagawain sayo atsaka jusko naman Rizzel ah, siguro nakapag-isip isip ka na ngayon, at napakaswerte mong ang doctor na iyan ang pumunta dito kaya please lang, matuto kang magpaliwanag at makinig. It doesn't matter kung may magbabago o wala, basta ang mahalaga, napakinggan niyo ang isa't-isa." Napatango-tango naman ako na ikinairap ulit ng gaga.

"O siya, matutulog nalang muna ako ulit, ke aga-aga mokong binulabog jusko." Hindi ko na siya pinansin at binasa nalang ang towel bago pinunasan ang mukha, leeg, kamay at katawan ni Alexis.

Matapos ko siyang punasan ay agad ko namang pinasuot ang pinakamalaking sando na nahanap ko sa damitan namin sakanya.

Mariin naman akong napapikit at huminga ng malalim bago dahan-dahan hubarin ang pantalon niya.

Bachelor Series 6: The Doctor's wheeze [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon