Pag pasok namin ni Marie sa Loob ng Hospital ay binabati kami ng bawat staff na makakasalubong namin, napansin ko din na nag kalat ang mga Welcome Tarpaulin sa halos buong hospita.
Isa-isang pinakita saakin ni Marie ang mga kaganapan sa bawat opisina ng hospita. Dito ko na pansin na napaka-haba ng pila sa billing section at halos lahat ay mukang malungkot.
"Marie" tawag ko dito
"Yes JV". Sagot niya
"Tignan mo sila oh bkit lahat sila halos malungkot?". Usisa ko
"Alam mo hindi nag kamali si Dave nung piliin nya sayo ipamana ito hospita you have the same sense of humor and heart" Sabi ni Marie
"Ha Bakit naman?" pagkukunwari ko pero paramg amoy ko na ang problema.
"I know alam mo wag mo na ako lokohi. Yan mga yan lahat yan nagugulat sa taas ng Bill nila sa Hospi na ito dahil sa bagong Memo na nilabas ng Hospital na halos nag Increase ng 30% sa lahat ng charges at dahil doon halos pati ward section natin ay parang isang private room na ang katumbas and the worse thing ay mula noong namatay si Dave ay inalis nadin ang charity nito na nag oofer ng libreng gamutan sa mga walang-walang kababayan natin." ang mahabang paliwanag ni Marie
" Marie sumunod ka" Sabi ko
Mabilis ako lumapit sa mga tao na nakapila sa billing section.
"Ah Magandang umaga po gusto ko lang po kayo tanungin ano po ba nagiging problema?"
"Sir sobrang taas ng bayad sa Hospital na ito.
" OO nga po sir dalawang araw lang kami dito at sa ward pa na electric fan lang ang gamit paglabas ng bill namin 50,000 na po"
Halos ganoon lahat ng sintimyento ng bawat isa sa kanila.
"Ahh ehh wait lang po gagawan ko po ito agad ng paraan.
Pumwesto ako sa tapat ng cashier section binati naman ako ng kahera alam ko kilala niya ako dahil sa dami ng tarpaulin sa buong hospital.
" kelan nag simula ang bago policy? ". Tanong k dito
" Ngayon lang po sir" sabi niya
"Asaan ang Memo" tanong ko
"Ito po" sabay abot saakin dito ko nakita na pinirmahan ito ng Mothe ni Nathan bilang acting CEO alam ko na hindi dapat ito kaya.
"Makinig ako kilala mo naman sino ako right ito memo na to walang kwenta kaya hindi mo ito ipapatupad ibabalik ang singil sa dati maliwanag ba?"
Sabay tingin ko ng mabagsik sa babae
"Opo sir Opo."
Hinarap ko na ang bawat tao na nagtataka kung sino ako
"Ah pasensya na po pero ibabalik na po sa dati ang bayad nyo sa hospita wala po pag taas ang mangyayari"ang sabi ko sa bawat isa sabay punit ng memorandum na hawak ko.
Nagpalakpakan ang bawat isa kita ko sa mata nila ang tuwa napatingin din ako kay Marie at nakita ko na nakangiti din ito saakin.
Inaya ko na si Marie na ikutin ang ward section habang naglalakd kami ay kinausap ako ni Marie
"Tapang naman ng CEO namin" Biro ni Marie saakin
"haha ako paba!" sagot ko
"Huh Humanda ka mamaya sigurado maya-maya lang ay may Board meetings na mangyayari dahil sa ginawa mo remember nagkalat at mga bubwit dito ng mga kalaban kaya sure nakarating na sakanila ang nangyari" sabi ni Marie
"Alam ko, Exited na nga ako harapin sila lahat, sympre as my secretary and my Chief Legal Advisor sabay tingin ko dito na alam ko kinagulat niya, sasama kita sa meeting mamaya." Sabi ko
"Ha ano naman alam ko doon" ang sabi ni Marie
"Marie ano kaba kaylangan paganahin mo yan pinag-Aralan mo hindi pwedi manatili ka nalang secretary napakatalino mo tao" sabi ko
( Isa sa laman ng iniwang Notes saakin ni Dave ay ang tungkol kay Marie doon nakalagay na si Marie ay isa palang abogada at ang gusto ni Dave ay Gawin ko siya Chief ng legal Department ng Hospital na sya namang tutuparin ko mamaya sa Board Meeting. )
BINABASA MO ANG
ANAK NI GOV- DOS
Non-FictionBook 2 Ito ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the produ...