(DOS 24) Tuksuhan

1K 47 4
                                    

Sorry talaga JV anlamig ihh nagalit si jun-jun sabay tawa ni RV

"ano kaba okay lang" ang sabi ko naman

Tinuloy namin ang pag pasok sa ganoong posisyon mas nadama ko ang napakatogas na bagay sa akin pwetan pero hindi ko nalang ito pinansin hanggang sa maka pasok na kami nang tuluyan sa hidden cave. Napamangha ako sa ganda nito halos nagkikinangan ang mga bato kulay berde at asul naman ang tubig, may liwanang na nag mumula sa taas sapat ito upang makita ang ganda ng buong paligid.

"wowww ang ganda dito RV" ang sabi ko

"Yes JV isa ito sa iniingatan ng resort at isa ito sa special na inoofer namin" sagot niya

"ano pang hinihintay mo? Tara na" ang sabi pa nito

"lalabas na tayo? Agad?" nagtatakang tanong ko dito

"huh? Hindi ang sabi ko ano pang hinihintay mo tara na at mag swimming dito" sabay talon ni RV sa tubig sa loob ng kweba.

Natuwa at na excite din naman ako kaya dali-dali akong nag hubad ng pang itaas since naka short naman na ako, dali-dali akong tumalon papunta sa kinaroroonan ni RV.

Naging masaya ang aming pag ligo, madalas ay nagiging harutan na ang aming ginagawa andiyan ung hihilahin niya ako palapit sa kanya minsan naman ay aahon siya mula sa aking baba hanggang sa pag ahon niya ay bigla nalang itong yumakap habang nakatalikod ako

"JV pwedi ba?" tanong nito mula saaking likuran

Lalo pang nanginig ang buo kong katawan  ng simulan niya akong halikan mula sa aking mga tenga pababa sa aking leeg.

Napapikit ako sa hindi ko mapaliwanang na nararamdaman sa mga oras na ito.

Naglakbay pa ang kanyang kamay papunta sa aking mga dibdib habang patuloy padin ito sa pag-halik sa akin.

Hinarap niya ako sa kanya sabay angkin ng aking mga labi ngunit naisip ko na kailangan kong labanan ang tuksong ito since andito kami ni Mark para mag ayos.

Kaya naman imbis na lumaban sa laplapan (kahit gusto ko talaga) ay tinulak ko ito ng may pwersa.

"sorry.. Sorry" ang nasabi ko dito sabay ahon sa tubig at yaya sakanya na bumalik na sa resort.

Bakas ko sa muka ni RV ang pagka dismaya.

Mabilis naming tinahak ang daan palabas ng walang kibuan. Hindi din ako pinapansin nito habang naglalakad pabalik sa resort.

Hanggang sa narating namin ang resort at nag pasalamat ako dito sa pag sama saakin.

"salamat nga pala RV and again sorry" ang sinabi ko

Pero tinalikuran lang ako nito at bakas ang galit mula sa kanyang gwapong muka

Pero bago paman siya tuluyang maka alis ay hinila ko ang kamay nito dahilan upang mapaharap siya saakin sabay Gawad ko ng isang masarap na halik sa kanyang mga labi.

"smile na please" sabi ko dito

"may utang ka sakin" sabi niya sabay ngiti nito at umalis palayo saakin.

Dito ay napanatag na ang loob ko 

Tumuloy ako sa CR malapit sa pool area upang mag-banlaw muna bago tumungo sa cottage namin ni Mark.

Pag pasok konsa Banyo ay laking gulat ko nang madatnan ko ang isang gwapong lalaki Matangkad, maputi ito at maganda ang katawan. Siya ung sundalo sa katabi naming room.

Hindi ko na sana ito papansinin at tutuloy na sana sa cubicle ng CR ng bigla itong mag salita.

"Ano sir Masarap ba siyang humalik?" ang sabi nito sabay ngiti nito na parang nakakaloko

Napatingin ako sa kanya at sabay sabi ko na

"excuses me? Anong sabi mo?"

"ang sabi ko masarap ba siyang humalik?" sabi nito sabay lapit ng muka niya sa muka ko.

ANAK NI GOV- DOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon