Matapos makapagpahinga ay tumayo na ako sa pagkakahiga mula sa buhanginan inaya ko narin si Dave at Derek na magbihis na at makapunta narin sa Palengke upang makapasyal at makabili ng aming kakanin para bukas.
Sabay-sabay na kaming tumungo sa banyo at doon ay hindi maiwasan ang konting harutan habang naliligo.
Pagkatapos namin ay lumabas kami sa Rest-House at tumungo nga sa palengke sakay ng isang Tricycle na pagmamayari pala ng katiwala nila Dave sadyang iniwan ito para daw magamit namin, si Derek na ang nagmaneho habang ako ay nakasakay naman sa loob ng motor.
Ilang minuto ang nag daan ay narating namin ang pamilihan at dahil nga kami ay nasa malapit sa dagat ay puro fresh ang makikita mo na mga laman-dagat tulad ng pusit , alimango at hipon ang mga ito rin ang binili namin balak din kasi namin mag ihaw mamaya sa tabing dagat.
Dumaan narin kami sa simbahan para makapagpasalamat doon ko nakilala si Fr. Jeff ang paring taga-pangalaga ng simbahan doon ko nalaman na kilala pala ni Fr. si Dave.
"Oh Iho masaya ako at nakauwi ka muli dito " ang wika ni Fr- Jeff ng makita si Dave.
"Mano po Fr- Opo, Masaya rin po ako" ang sabi ni Dave.
"Mukang may kasama ka ngayon sino ba sila?" ang tanong ni Fr-Jeff.
"Ah Fr- Ito po pala si Dr. Derek kaibigan ko at Dr. JV kaibigan ko rin po" Pakilala ni Dave.
Magandang araw po Fr- bati namin ni Jeff.
Ah Fr- Naalala mo ung sabi mo sakin na wala nang mga doktor na bumibisita dito upang tignan ang mga Kababayan natin, kaya po sinama ko narin sila para mag karoon po tayo ng Libreng medical mission may dala rin po kaming ilang mga gamot at vitamina. " Ang sabi ni Dave.
Medyo nagulat ako sa mga narinig ko hindi lang pala bakasyon ang pakay namin dito kundi para maggamot din, masaya naman ako dahil nakikita ko ang tunay na ugali ni Dave sadyang mabait pala ito.
"Hay salamat iho napakaraming gustong magpakunsulta, hayaan mo bukas na bukas din sa ganap na alas-otyo ay sisimulan natin yang libreng kunsulta nang sagayon kinahapunan ay may oraps pa kayong mamasyal sa ating lugar" wika ni Fr-Jeff
"Salamat po Fr. Maunan na po kami " paalam ni Dave
Nilisan nga namin ang sinbahan at nakarating na muli sa Rest-House, pag baba ko palang ng motor ay sinalubong agad ako ni Dave.
"Alam ko nag tataka ka" ang bungad ni Dave
"Oo medyo" sagot ko
"Okay let me explain, ito ang probinsya kung saan ako napulot ni Dad and Mom"
Nagulat talaga ako sa mga narinig ko kay Dave.
"Yes tama ka ampon ako ni Mom and Dad pero hindi nila ito nilihim sakin and even dito sa lugar na ito sinabi nila sakin an dito nila ako natagpuan sabi ng iba marami daw dayuhan dati dito, kaya malamang un daw ang nag iwan sakin, pero wala naman na akong paki kung sino man ang biological Parents ko, pero noong unang beses ko na narating dito parang na inlove ako sa ganda, kaya mula noon unti-unti ko itong inaayos at hanggang ngayon kaya halos lahat ng tao rito kilala ako" ang mahabang paliwanag ni Dave
"Ahh kaya pala mahal na mahal mo itong lugar na ito" sagot ko
"Oo at mga espesyal lang na tao sa buhay ko ang dinadala ko sa espesyal na luagar na ito. " Sagot ni Dave Sabay kindat saakin
"Hu tama na nga yan tara na magluto na tayo at baka maiyak pako sa kwento mo" ang naisip ko paraan para makaiwas sa nakakainlove na muka ni Dave.
Kung nagtataka kayo kung asaang lugar kami nasa Baryo Pagaasa kami
Isang mahirap na lugar na kahit isang hospital ay di man lang natayuan, dahil sa layo ng lugar na ito walang gustong mag trabaho, pag sasaka at pangingisda ang kinabubuhay ng karamihan , may mga bundok sa paligid na kaylangan mong daanan bago marating ang lugar , naipaayos lang ni dave abg daan kaya mas napabilis na ang pagpunta.
Kinagabihan ay nagpatuloy pa ang masasayang kwentuhan namin tatlo wala nang nagyari sa pagitan namin dahil nga kaylangan namin maghanda para bukas.
Bandang alas-dose ng madaling araw ng maisipan na naming magpahinga nahiga kami sa loob ng bahay nasa gitna ako ni Derek at Dave konting kwentuhan at harutan lang ang ginawa namin at dahil narin sa pagod ay di na namin namalayan na nakatulog na pala kami.Kinaumagahan ay nagising nalang kami sa magkakasunod na katok mula sa pinto,
"Ihoo ihoo gising na handa na ang umagahan nyo gising na!"
"Opo nay Nora lalabas napo" ang sagot ni Dave
"Good morning Bati ko kay Dave"
Pero imbes na sumagot ito ay siyang biglang halik niya sa labi ko kala ko ay isang halik lang pero naging mapusok ito kaya lumaban narin ako wala akong paki elam kung anong lasa ng mga laway namin basta alam ko nasasarapan ako.
Hoy mga dugyot ! Bakit di muna kayo nag mumog bago nyo gawin yan! " Ang saway ni Derek
Doon nga ay nag bitiw kami sa paghahalikan at sabay sabay kaming nag tawanan..........
BINABASA MO ANG
ANAK NI GOV- DOS
Literatura FaktuBook 2 Ito ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the produ...