(Mark)
Sinamahan ko nga si JV sa chapel kung saan nakaburol ngayon ang kaibigan nito , alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya pero alam ko din na mahal na mahal ko siya mula pa noon.
Hindi ko na din sinabi sa kanya na wala naman talaga akong asawa sa amerika nagkahiwalay kami dahil alam ng kinakasama ko noon na iba ang laman ng puso ko kaya umuwi talaga ako sa Pinas para muling mapalapit kay JV.
Andito kami ngayon sa chapel magkatabi ni JV halata ang lungkot niya kaya inaya ko siyang umuwi na.
"JV uwi na tayo pagod kana oh" sabi ko sa kanya
Tinignan lang ako nito at tumayo lumapit siya kay Derek at nag usap saglit bago ako nito senyasan para lumabas na kami ng chapel.
Agad kami tumungo sa parking at sumakay sa aking sasakyan.
Habang nag da-drive ako pauwi ay napansin ko na nakatulog na si JV dahil nadin sa sobrang pagod at emosyonal niya kanina. Dahil ayaw ko na siyang gambalaain pa kaya naman napag desisyunan ko na iuwi nalang siya sa aming bahay , bahala na basta gusto ko muli siyang makasama ngayon gabi.
Madaling araw na ng marating ang aming bahay binuhat ko nalang ito pababa ng saskyan at dinala saaking kwarto, tulad ng dati ay pinunasan ko ito ng bahagya at pinalitan ng shorts at damit para maging presko sa kanyang pagtulog tinabihan ko ito at doon nga ay isang mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya kasabay noon ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
ANAK NI GOV- DOS
Non-FictionBook 2 Ito ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the produ...