Favorites

781 25 1
                                    

CHAPTER SIX 

“COME ON,  Althea. Why are you always turning me down?” Umupo si Zach sa bakanteng upuan sa tabi niya.

    “Hindi ko matatanggap ang pagkain na iyan. May baon naman ako, hindi mo ba nakikita? May pagkain din si Michelle.” Sinulyapan niya ang kaibigan sa harap niya na tahimik na nanonood sa kanila ng binata.

    “Hi, Michelle. I’m Zach,” pagpapakilala nito sa sarili.

    “Hi,”alanganing sagot ng dalaga dito. Halatang nagulat ito nang lapitan sila ng binata sa lamesa nila at inilapag nito ang plastic na may tatlong naka-styro na pagkain na galing sa kilalang foodhouse sa bayan na iyon.

“Hindi ko naman sinabing ito na lang ang kainin mo, okay? I’m just offering food. If you don’t like it, fine with me.”

Si Michelle ang sumagot matapos nitong tumikhim. “Salamat sa pagkain, Zach. Saluhan mo na lang kami.”

“No. Hindi siya pwedeng sumabay sa atin,” mabilis na protesta niya sa kaibigan.

“Bakit naman?” pinanlakihan siya ng mga mata ni Michelle.

“May sarili siyang grupo, Mich.”

“But I choose to eat with you,” mabilis na sagot ni Zach. Inilabas na nito ang mga pagkain. “Siguro naman itong iced tea ay matatanggap mo?” Inilapag nito ang tig-isang bote ng malamig na inumin sa harap nila ni Michelle.

“Bakit ginagawa mo ‘to?”Hindi napigilang tanong niya.

“Ano na naman? Bakit ba kumakain ang tao? Syempre dahil nagugutom,” painosenteng sagot nito.

“Nakatingin silang lahat dito. Ayaw ko ng issue.”

“Walang issue. Kumain ka na.” Nilagyan nito ng ulam ang pinggan niya. “Tikman mo lang.” Tahimik na itong kumain.

Nang matapos na silang kumain ay doon pa lamang ito ulit nagsalita. “Salamat sa invitation, Michelle. Sana nasarapan ka sa pagkain.”

“Oo naman.Busog na busog nga ako. Ngayon lang ako nakaubos ng isang plato ng kanin.” Saka nito sinulyapan ang plato ni Althea. “Nagda-diet kasi si Althea kaya kaunti lang kumain.” May himig paumanhin ang tinig nito.

“Sige, mauuna na ako sa inyo. May subject ako ng ala-una.” Tumayo na ito. “See you, Althea.”

Nang makalayo na ito ay saka siya sinita ni Michelle.
“Ano ba namang drama iyan, bru? Hindi ka ba nahiya doon sa tao? Kung tarayan mo naman parang tindero lang siya ng sorbetes sa kanto. Si Zach iyon, sister. Imagine, nawala lang ako ng sampung araw dahil sa bulutong, pagbalik ko buntot na nang buntot sa ‘yo ang lalaking iyon. Anon’ng nangyari? Nakatisod ka ba ng gayuma sa daan? Bigyan mo naman ako, nang mabingwit ko ang isa sa mga ka-tropa niya.”

“’Pinagsasabi mo? Gusto mo ba na pag-tripan ka din ng mga katulad niya?”

“Eh, kung kasing guwapo ba niya at kasing yaman niya, bakit hindi?”

“Sira ka talaga.”Sa kung anong dahilan ay hindi niya masabi sa kaibigan ang tungkol sa kasunduan nila ni Graciella. Alam kasi niya na hindi ito sasang-ayon sa ginagawa niya. Ilang beses ba siya tumakbo sa kaibigan sa tuwing kinakapos sila ng pera? Lagi na ay nakahanda itong tumulong. Pero nitong huli ay sabay-sabay na nagkasakit ito at ang dalawa pa nitong kapatid kaya nakahiyaan na niyang lumapit dito. Dahil sa kagipitan ay nagkaroon tuloy siya ng obligasyon kay Graciella.

Nang hapong iyon ay nilapitan ulit siya ng binata. “Althea, I’m sorry kung naiirita ka na sa akin. Kung nakukulitan ka na, hindi na kita guguluhin ulit.”

Every Time We Touch       Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon