The Payment

1.2K 34 2
                                    

"'SOMETHING wrong?" nag-aalalang tinig ni Zach ang sumagot sa tawag ni Althea.

     "Kumusta na ang mother mo?"

     "Check-up niya kahapon. Mabuti na daw ang lagay niya, sabi ng doktor."

     "That's good to hear. Kumpleto pa ba ang mga gamot na iniinom niya? I asked the hospital to fill up her prescriptions to a one month supply, unless may bagong orders ang doctor niya?"

     "Wala. Kumpleto na lahat, pati vitamins at gatas niya."

     Dalawang linggo na mula nang mailabas ang ina niya sa ospital. Ganoon katagal na din silang hindi nagkikita ng lalaki.

     "So, why did you call me?"

     "Ahm... Pasensya na kung nakaabala ako. Gusto ko lang itanong kung... kung..."

     "What?"

     "Uhm... Akala ko kasi...Hindi bale na lang."

    "You mean, about our deal?" diretsong tanong nito. "Are you really ready for that now?"

     "Kailangan kong gawin 'yon."

     "Gusto ko na gagawin mo iyon na hindi napipilitan. I cannot force myself to any woman, Althea, especially not to you." 

     Narinig niya ang malakas na tinig ni Grin sa background.

  "Daddy! Mommy wants to talk to you!"

    "Later, sweetheart," sagot ni Zach sa bata.

     "But she said it's important. Come on, she's getting angry now."

     "In a minute." Binalingan siya ulit ni Zach. "I want you to sleep early tonight, Althea. I will see you in my office tomorrow morning, okay? Be very ready for me, Thea."

     Nanayo ang mga balahibo niya sa batok sa paraan ng pagdiin nito sa bawat salitang iyon. His words held a thousand untold promises, a thousand threat to her sanity. Si Zach lamang ang tumatawag sa kanya sa ganoong pangalan. It brought back memories that made her cheeks burn.

DINALA ni Zach si Althea sa Heartbeats Hotel. Nasa loob pa lamang sila ng elevator ay ramdam na niya ang pangangatog ng mga tuhod niya. Nang hawakan ni Zach ang nanlalamig niyang palad ay napaigtad siya.

     "Easy. No need to be so tense."

     Naka-focus ang mga mata nito sa display panel ng elevator hanggang sa marating nila ang penthouse. Sa tingin niya ay tanging miyembro ng pamilya nito ang gumagamit ng mga silid dito.

  Pagpasok nila sa loob ng isang marangyang silid ay doon pa lamang binitawan ng lalaki ang kamay niya. Dumukot ito ng maiinom sa loob ng fridge bago nito sinimulang buksan ang mga butones ng suot nitong polo. Nagbuga ito ng hangin bago siya nito nilingon.

     Zach still wanted her. It was so clear in his eyes now. Ganoon din kung titigan siya ni Zach noong araw. He could make passionate love to her through his eyes alone. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa katotohanang iyon.

Every Time We Touch       Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon