Goodbye

774 22 0
                                    

KINABUKASAN ay mugto ang mga mata ni Althea nang pumasok sa paaralan. Iniwasan niyang makaharap muna ang nobyo. Hindi niya kaya ang sundot ng konsensiya na nararamdaman niya. Si Michelle ang napaghingahan  niya ng sama ng loob.

    “Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Althea? Alam kong gago ang Kuya Roldan mo, pero hindi ako makapaniwala na magagawa niya ang ganoon kay Zach.” 

    “Lahat ay kayang gawin ng mga taong nasa impluwensya ng bawal na gamot. Mabuti nga at hindi nila sinaktan si Zach. Pero nagbanta siya na hindi lang iyon ang aabutin ni Zach sa susunod.”

“Kailangang maparusahan ang grupo ng Kuya mo sa ginawa nila.”

“Kung hindi ko lang inaalala ang magiging epekto sa kalagayan ni Nanay ay ako na mismo ang magpapakulong sa taong iyon. Baka... baka hindi kayanin ni Nanay kapag nalaman niya.”

“Ano ngayon ang binabalak mong gawin?”

“Sasabihin ko kay Zach ang totoo. Para maunawaan niya kung bakit kailangang putulin na namin ang relasyon namin.”

“Sasabihin mo kay Zach na kuya mo ang nagnakaw sa kotse niya? Ano sa tingin mo ang gagawin niya? Palalampasin na lang ba n’ya ‘yon dahil lang kapatid mo si Roldan? Paano kung isipin pa niya na kasabwat ka ng kuya mo? Napagbintangan ka na ngang nagnakaw ng alahas ng kapatid niya, remember?” 

“Makikipaghiwalay na ako sa kanya.  Iyon lang ang paraan para hindi na siya magpunta pa doon sa lugar natin.”

“Kung gugustuhin ni Roldan, maraming paraan para maisagawa niya ang binabalak niya kay Zach.”

“At least hindi na ako sangkot doon. Hindi ko na sagutin kung ano man ang mangyari. Puwede ko namang sabihin kay Zach na mag-ingat siya.”

    Paglabas nila nang bakanteng classroom na iyon ay nagkagulatan pa sila ni Melanie.

     "Ano’ng ginagawa mo diyan?” kinakabahang tanong niya sa babae.
  
  “Pinapatawag ka ni Graciella.”

    “May exam kami ngayon. Sabihin mo sa kanya mamaya na lang.” 

KAHIT  ano’ng iwas ni Althea ay na-corner pa rin siya ng nobyo pagdating ng uwian.

    “Kanina pa kita hinahanap,” sabi nito sa pormal na paraan.

    Napalunok siya bago nagsalita. God, ano na naman ang ginawa ni Graciella?

    “Bakit?”

    “Is it true na nakipagsabwatan ka kay Graciella para paglaruan ako?”

    “Ha? Sino’ng nagsabi sa ‘yo niyan?” Parang tinatambol ang dibdib niya sa kaba dahil sa galit na nakikita sa mukha ng lalaki. Totoong natatakot siya sa mga binabalak ni Graciella laban sa kanya, pero hindi niya inaasahan na babaliktarin siya nito sa ganitong paraan.

    “Is it true?” pag-uulit nito.

    “Magpapaliwanag ako, Zach.”

    “Yes or no! Iyan lang ang gusto kong marinig mula sa ‘yo.”

    “Totoo iyon. Pero...”

    “Pero ano? Nagbago na ang isip mo? Dahil naisip mo na mas malaki ang makukuha mo sa akin?”

    “Hindi ganoon, Zach. Wala akong balak na perahan ka. Maniwala ka sa akin.”

    “Really? Hindi ba’t pera lang din ang dahilan kaya ka pumayag sa usapan ninyo ni Graciella? Magkano ang halagang ipinangako niya sa ‘yo? Now I’m beginning to wonder. Hindi mo nga kaya kinuha ang bracelet niya?”

Every Time We Touch       Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon