Little Fairy

2K 66 29
                                    


NANLAKI ang mga mata ni Thea sa tanong ni Zach. “Seryoso ka?” alanganing tanong nito. She looked so radiant even with her swollen eyes.

“Hell, yeah! Ang tagal ko nang hinintay ‘to. Wait, the ring is in my room.” Hinila niya ito papunta sa pinto.

“Teka lang. Baka gusto mong tanggapin ang bayad ko?” Tinuro nito ang kahon.

“What is that actually?” Saglit niyang binitawan si Thea para kunin ang kahon. Nang buksan niya iyon ay napanganga siya sa nakita. A positive pregnacy kit! Lumipad ang tingin niya pabalik kay Thea.

“Dinadala ko ang ikalawang anak natin, Zach. I mean, pangatlo mo sana, kung wala pang sumunod kay Grin.” May namumuong luha ulit sa mga mata nito.

“My God! I love you!” Binuhat niya si Thea at tuwang-tuwang ibinalik sa labas.

“Grin! Meet your Mommy Thea!”

“Ibaba mo ‘ko!” protesta nito habang pilit kumakawala sa kanya. Ibinaba niya ito sa tabi ng pool.

“Mommy?” Tumakbo ang bata palapit sa kanila. “Mommy!” Tuwang-tuwang nagpakarga ang bata kay Thea.

“Oopps! Come here, sweetheart.” Kinuha niya ang anak mula kay Thea.

“Okay lang, Zach.”

“No, baby.We have to be careful this time.”

“Daddy, why are you calling her “baby” and you’re calling me “sweetheart”? I think you are wrong.” Taas ang mga kilay ng bata habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya.

“Now you sound like your Aunt Gracie.” Piningot niya ang ilong ng bata. “Because, darling, your Mommy Thea has been my first baby, and then you came along, and soon we will be having your baby brother.” Hinaplos niya ang manipis na tiyan ni Thea.

“A brother?” kumislap ang mga mata nito. “Yehey!” tili ng bata at pinupog nito ng halik si Thea.

“At least make me a bride’s maid on your wedding day,” nakangiting sabi ni Graciella. “And make it very soon, before that baby bump shows up.”

“Next month. And you will be in charge of the wedding preparations, Gracie, dahil kailangang magpahinga ni Thea.”

“Pero kalilibing lang ng Papa ninyo.”

“Trust me, this is what Papa would want. I’m just sorry na hindi na niya nahintay ito.”

Nagpaliwanag si Graciella. “Noong umalis si Zach, napilitan akong ipagtapat kay Papa ang nangyari. He was so mad at me.Hanggang sa nag-decide na rin ako na bumalik sa States.”

“Nalaman ko mula kay Gustav na kinausap siya ng Papa.” Pagpapatuloy ni Zach sa kwento. “Inutusan siya nito na bigyan ka ng magandang trabaho sa pabrika at ibigay ang lahat ng financial na kailangan ng Nanay mo sa pagpapagamot. Akala mo utang mo lahat ang benepisyong nakukuha mo sa pabrika?  No, they were given freely to you, Thea. Ayaw lang makialam ng Papa sa issue nating dalawa, because his freaking daughter already did that and messed things up. Pero hindi mo alam na nakaantabay siya sa inyong mag-ina noong mga panahong nandito pa siya sa Pilipinas. And all those years, hindi siya tumigil sa pagkumbinsi sa akin na bumalik dito. I was just too stubborn to listen to him. Hanggang sa ma-diagnosed siya ng cancer at bumalik siya sa States para magpagamot.”

Muli ay pumatak ang mga luha ni Thea. “Napakabuti niyang tao. Nakuha pa niya akong pagkatiwalaan sa kabila ng lahat.”

“Naniniwala ang Papa na nagawa mo lamang iyon dahil sa kagipitan. Alam mong hindi rin iyon ang issue sa pagitan nating dalawa, Thea. I wanted you back sa kabila ng lahat.”

“I know.” Yumakap ito nang mahigpit sa kanila ni Grin. “And I love you more for that.”

EPILOGUE

ZACH was sitting in the presidential table. He was staring at his lovely bride. She was so radiant in her wedding gown. Who would ever think that she was carrying his child?

Hawak ni Althea si Grin sa magkabilang kamay habang paikot-ikot ang dalawa sa dance floor.

Grin insisted on wearing a fairy costume. She was wearing her white wings. Hindi matatawaran ang bawat halakhak nito.

“Don’t forget, Daddy, I made all your dreams come true!” Saka ito umikot-ikot sa harapan niya.

Naputol lang ang pag-iisip niya nang humarang si Graciella sa harapan niya. Kinuha nito ang kopita na naglalaman ng champaigne at inisang lagot nito iyon. 

“Do you mind? You are blocking the nice view.” pagtataboy nya sa kapatid.

“I am so pissed off right now!” nasira ang magandang mukha nito.

“You are always pissed off lately. What's new?”

Nagmartsa ang dalaga palabas ng malaking hall ng hotel.
Sinundan niya ito ng tingin at napailing. Isa na lang ang malaking iniintindi niya sa ngayon, well at least before Grin grew up and started to act in the same freaking  way like her aunt. But then he still had a lifetime to take care of those two brats.

Napangiti siya sa puntong iyon. Minsan pa ay sinulyapan niya ang dalawang nagsasayaw. Tumayo siya at nilapitan ang mga ito. These were the most important people in his life. Some things a man can’t live without.

“Excuse me. Can I dance with my beautiful ladies?”

Nilingon siya ng asawa. Her pretty face was glowing. “I love you, Zach.”

“And I love you, too.” He kissed her in the forehead.

Nothing could ever tear them apart now.

                   WAKAS

Thank you for patiently waiting for the updates 🥰

Do you want Gracie's story? Let me know ur thoughts. Stay safe, dear readers 😘😘😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every Time We Touch       Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon