Confrontation

914 34 2
                                    

KINABUKASAN pinuntahan niya si Melanie sa lumang bahay ng mga magulang nito noong araw.

    “Hey, I’ve been waiting for you.” Sinalubong siya nito ng yakap.

    Inalis niya ang mga kamay ng babae.”Did you talk to Althea five years ago?”

    “What are you...”

    “Answer me, damn it! May kinalaman ka ba sa nangyari sa amin? Who took that bracelet? Did you?”

    “Of course, not! Si Althea ang kumuha n'on. Pamilya sila ng magnanakaw. Narinig ko mismo sa kanya nang ikuwento niya kay Michelle. Isa ang kuya niya sa mga nag-carnap sa kotse mo noong minsang hinatid mo siya.”

    “Kuya? May kapatid na lalaki si Thea?”

    “Yes! Magnanakaw. Drug addict. Plinano nilang magkapatid na pagnakawan ka. At may binabalak silang mas higit pa doon. I told her na kapag hindi niya itinigil ang plano nila ay isusumbong ko sila sa ‘yo. That’s the reason why she broke up with you. And that’s the reason why I don't want my daughter near that criminal!”

    Dinuro niya ang babae. “Huwag na huwag ka nang makikialam sa buhay ko, you scheming bitch!”

    More or less ay alam na niya ang nangyari. But he had to confirm it. Mabilis niyang pinaandar ang Volvo papunta sa tirahan ni Michelle.

    “Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na hindi ko alam kung nasaan si Althea?” salubong nito sa kanya sa gate pa lang.

    “Michelle, may kuya ba si Thea? Matangkad na lalaki, about five-eleven?”

    “Dalawang taon nang patay si Roldan.”

    Napabuga siya ng hangin. “Open the gate, please. I need to talk to you.”

    Pagpasok nila sa sala ay sunod-sunod na agad ang tanong niya dito. “Ano’ng ikinamatay ng kuya niya?”

    “Nabaril.”

    “Saan siya dating nakatira? Bakit hindi siya nabanggit ni Thea?”

    “Hindi ko alam. Hindi iyon nagpipirmi sa kanila noon, pasulpot-sulpot lang. Bakit ang dami mong tanong?”

    “I found out the truth about this whole carnap thing.”

    “Ha? Paanong...”

    “Melanie told me. Did she...” Pumikit muna siya at lumunok ng dalawang beses. “Was there any other man in Thea’s life? I mean, back when we were still together, was she seeing someone else?”

    “Wala ako sa posisyon para sagutin ang tanong na ‘yan.”

    “Michelle, please! We’ve both suffered long enough. Kung may nalalaman ka, now is the time to tell me.”

    Matagal bago ito muling nagsalita. “Ikaw lang ang nag-iisang lalaki sa buhay ni Althea. Mula noon hanggang ngayon. Ginawa lang niya iyon para protektahan ka. Kinailangan niyang magsinungaling para maitaboy ka palayo. Dahil may pinaplano ulit ang Kuya Roldan niya sa ‘yo.”

    Nasapo niya ng palad ang ulo. “So, kuya nga niya ang nakita kong umakbay sa kanya noon. She didn’t have to lie to me.”

    “Noong mga panahong iyon ay iyon lang ang naisip niyang paraan. Naipit siya sa sitwasyon. Kapatid niya si Roldan, may sakit sa puso ang nanay niya at nanganganib ka. Noong una ay binalak niyang ipagtapat sa ‘yo ang lahat, pero nang mapagbintangan siyang nagnakaw ng alahas at nang malaman mo ang tungkol sa kasunduan nila ni Graciella ay natakot siya na pag-isipan mo siya lalo ng hindi maganda.”

    “Where is she? I need to see her.”

    “Look, hindi biro ang pinagdaanan niya nang mawala ka. She almost lost it. Ganoon din ang pinagdadaanan niya ngayon. Hayaan mo munang humupa ang sakit.”

    “She needs me, and I need her. I still love her, Michelle!”

    “Kapag handa na siya ay haharap din siya sa ‘yo. Sa ngayon...” Umiling ito. “Kung nahihirapan ka ay mas nahihirapan siya.”

    Naisabunot niya ang mga daliri sa buhok niya. “I can’t even...I can’t even function well.” Matagal siya sa ganoong ayos. “Well, at least now alam ko na ang totoo. I just want to make sure that she’s safe.”

    “Don’t worry, Zach. She’s in good hands.” 

Every Time We Touch       Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon