Sad Reality

798 33 3
                                    

Present time...

Napahinga nang malalim si Althea matapos niyang alalahanin ang mapait na nakaraan.

Siya ang nang-iwan kay Zach noon. She told him lies para lang protektahan ito at ang kanyang ina at kapatid. Siya ang dahilan kung bakit ito biglang umalis ng Pilipinas. And he never found out about their child. Yes, their own child.

Grin was a very charming child. She actually looked like little Graciella. Her curly soft hair ay bagay na bagay sa maputing kutis at mapupulang pisngi nito. Her brown eyes are the exact replica of Zach’s eyes. She was too smart for a four year old child. Pero sa tuwing makikita niya ito ay hindi niya mapigilan ang kirot sa dibdib niya. Hindi dahil sa kung sino mang ina nito na bahagi o naging bahagi ng buhay ni Zach, kundi dahil sa isang sanggol na naiwala niya limang taon na ang lumipas. Dapat sana ay halos kasing edad ito ni Grin, kung nabuhay lamang ito. Kung hindi lamang siya naging mahina noon.

Zach never knew about her pain. Kung paano siyang nalugmok ng ilang buwan dahil sa depression. Kung paanong nasira ang kinabukasan niya at ang buong pagkatao niya. He would never know. He could never imagine the pain she was going through in front of his family. So the sooner she disappeared in his life now, the better.

CHAPTER TEN

PAGLABAS ni Althea ng silid kinabukasan ay bumulaga sa kanya ang multong kinatatakutan niya. Si Graciella, straight from the airport.

    Nang makita  siya nitong pababa ng hagdan, tumaas agad ang kilay ng magandang babae. 

     “What in Judas’ name is that woman doing in here?” Hindi napigilang bulalas nito. Hinarap nito ang kapatid. “Have you forgotten already? She is a thief, for heaven’s sake!”

    “What is thief, Daddy?” kunot ang noo ni Grin nang lingunin nito ang ama.

    “Careful, Gracie.” May babala sa tinig ni Zach. “Thea will stay here for as long as she wants.”

    “The hell she will.”

    “Stop it!”

    “Well, it’s not my money. Why would I even care?”  Nagmartsa na ito paakyat sa dating silid nito.

    Right there and then ay gusto nang maghakot ng mga gamit niya si Althea at tumakbo palayo sa lugar na iyon. Graciella was back. Hindi ito titigil hanggang hindi siya nito nasisira ulit.

    Laking pasasalamat na lang niya na hindi na sila muling nagkaharap ng babae. Pero paglipas pa ng tatlong araw ay isa na namang hindi inaasahang tao ang bumulaga sa harap niya.

    Melanie was more beautiful now, and she looked more fierce and cunning. Syempre, alipores ito ni Graciella. Muli ay bumangon ang takot sa dibdib niya nang makita niya ang babae.

    Lalo lamang siyang napako sa kinatatayuan niya nang tumakbo si Grin para salubungin ang bagong dating.

    “Mommy!”

    Mommy? Oh, my God.

    Daig pa niya ang nabagsakan ng bomba. Zach and Melanie? Hindi totoo ‘to!

    “Hello, baby girl.” Kinarga nito ang bata. “Did you miss Mommy?”

    “Yes! Aunt Gracie is here, too.”

    “I know. Where’s your Daddy?”

    “At work. Mommy, that is Aunt Althea.” Itinuro siya ng bata.

    “I know her, baby.”

    “Is she your friend, too?”

    “Yeah, we were good friends. ”

    Nang mapag-isa sila ng babae ay halos lamunin siya nito nang buhay.

“Do you really think na maaagaw mo sa akin ang mag-ama ko? Well, think again, bitch! Kung noon ay si Graciella lang ang kalaban mo, now, I’m your worst enemy. Pack up your things and get the hell out of here!”

    “Hindi mo ako kailangang ipagtabuyan.”

    “Huh! Lumalaban ka na ngayon. Tignan natin kung makapagmalaki ka pa once I told Zach about your secret.”

    “Hindi mo rin ako kailangang takutin. Matagal nang patay ang kuya ko. Wala na rin ang Nanay ko. Wala na akong dapat protektahan at wala na akong dapat ikatakot.”

    “Lumayas ka dito or I will tell Papa Valentin about your family. Suckers!”

    Umakyat siya sa guest room at inayos ang mga gamit. Walang dahilan para guluhin pa niya ang pamilyang ito. Kailangan na niyang lumayo at bumangon ulit. May palagay siyang hindi na niya kakayanin pa ang mga susunod na tagpo. Imagine, Zach and Melanie? Ramdam niya ang kirot hanggang sa kaliit-liitang bahagi ng puso niya.

    Nasalubong niya ang matandang Rondael pagbaba niya sa hagdan. Kadarating lang nito at ni Graciella galing sa regular check up nito.

    “Where are you going, hija?”

    “Aalis na po ako. Salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa akin dito.”

    “Kaya mo na bang mag-isa sa inyo?”

    “May mga kamag-anak po ako na mapupuntahan.”

    “Bakit hindi mo na hintayin si Zach para maihatid ka sa pupuntahan mo?”

    “Hindi na po kailangan. Kaunti lang naman ang mga gamit ko. Kaya ko na pong mag-isa.”

    Huminga nang malalim ang matanda. “Malulungkot si Grin sa pag-alis mo.”

    Nagtama ang paningin nila ni Graciella. “Nandiyan na po ang Mommy at Tita Graciella niya. Hindi na niya ako hahanapin.”

   Humakbang na siya palabas. Nang malapit na siya sa pinto ay muling nagsalita ang matanda.

    “Is this about Melanie? Kaya ka ba aalis ay dahil dumating ang Mommy ni Grin?”

    Nilingon niya ito. “Wala naman pong dahilan para iwasan ko si Melanie. Dati naman kaming magkakilala noong araw. Gusto ko lang po talagang magbakasyon sa mga kamag-anak ko. Aalis na po ako.”

    “You were the reason why my son suddenly flew back to Chicago five years ago. Now, I need him here for good. Hindi na ako magtatagal, hija. I want to see my children happy before I die.” 

    “I’m... I’m sorry.”

    “You will hurt him again, Althea. You will destroy him.”

    And I just died a thousand deaths.
 
   “I’m really sorry. Kailangan ko na pong umalis.”

    Lumabas siya sa malaking pinto at walang lingon na tinakbo ang  mahabang daan palabas ng bakuran, bago pa siya tuluyang kapusin ng hininga dahil sa pait na nakabara sa kanyang lalamunan.



Every Time We Touch       Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon