Bitch 1

812 29 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

NAGMAMADALING umuwi si Zach nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama. Dumaan muna siya sa bahay nina Althea pero sarado pa rin ito at walang senyales na galing doon ang dalaga. Nagpunta din siya sa kaibigan nitong si Michelle pero wala siyang inabutan sa bahay ng mga ito.

    Pagpasok sa mansion ay nagmamadali niyang inakyat ang guest room. Bakante na ito. Wala ni isang gamit ni Althea na naiwan doon. Naisabunot niya ang mga daliri sa buhok.

    “You’re early today. Is it because you know I’m finally here?”

    “Bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating ka?” Alam niyang si Melanie ang dahilan kung bakit bigla na lamang naglayas si Althea. Baka nagtulungan pa nga ito at si Graciella para paalisin ang babae.

   “I wanted to surprise you. Pero ako ang nasorpresa sa dinatnan ko dito. Really, Zach? Kailangan ba talagang patirahin si Althea dito sa mansion?”
  
   “This is my house, Melanie. Don’t you dare question me kung sino ang patutuluyin ko dito.”

    “Well, you forgot na nandito ang anak ko. And her safety is my concern.”

    “Thea is harmless!”

    “Inilalapit mo ba ang loob ng anak ko sa kanya?”

    “Are you threatened?”

    “Inilayo mo ang anak ko sa akin!”

    “Ikaw ang lumayo.  You went to Paris, remember?”

    “Dahil hindi ko matagalan ang kalamigan na ipinapakita mo sa akin. I became so tired of waiting for you! I gave you a child, Zach! But you never gave me anything. You never cared for me! You never bothered to offer me marriage, even for our daughter’s sake.”

    Nanahimik siya sa puntong iyon. He knew he had hurt Melanie so many times in the past. Pero paano ba niya ibibigay dito ang sarili niya kung pag-aari na ito ng ibang babae?

    “Umasa ako na matututunan mo akong mahalin, lalo na paglabas ng anak natin. Pero para lang akong palahian na basta mo na lang pinabayaan pagkatapos kong isilang ang bata.”

    “I never promised you anything. Mula sa umpisa, you know where you stand. I can't give you anything more than that. I can’t love you, Melanie.”

    “Because until now, you still love her!”

    “Maybe that’s my curse. We’re both pathetic, don’t you think?”

    “You can’t do this to me, Zach. Kukunin ko ang anak ko. Kahit magkademandahan pa tayo.” Mabilis itong nawala sa harapan niya.

    Nahagod ni Zach ang batok. He felt so weary and so worried about Althea. 

    Ang sumunod na mga araw ay lalong naging mahirap. Biglang ipinasok si Don Valentin sa ospital dahil mahina na ito.

     “Papa, ibabalik  ko kayo sa Amerika. Mas advance ang medicine doon, mas mabibigyan kayo ng lunas.” 

  “We both know that I’m dying, son. Napapagod na ako. Gusto ko nang magpahinga. Ngayong nandito na kayo ni Graciella ay panatag na ang loob ko. Ipangako mo sa akin na hindi mo pababayaan ang kapatid mo, ganoon din ang apo ko. At ipangako mo rin na hahanapin mo si Althea.”

    “I will. I promise.”

    “I want all of you to be happy.”

    “I love you, Papa.”

    Dalawang araw matapos n'on ay namayapa na ang matandang Rondael. Limang araw makalipas ay hinatid ito sa huling hantungan.

ABALA si Zach sa pag-estima sa mga nakikiramay na kamag-anak at bisita kaya hindi nito napansin na nandoon si Althea sa sulok.

Every Time We Touch       Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon