14

279 10 0
                                    

Kinabukasan. Sa school.

"Hey!" Paulit ulit na sabi ni Vice para tawagin si K na nakatingin lang sa isang lugar.

"Hey dog. Answer me", sabi ulit ni vice pero ngayon ay nakuha na niya ang atensyon ni K.

"Ah ano yun? Uhm. Vice, sorry. Hindi kita narinig eh" sabi ni K.

Nilapit ni Vice ang mukha niya kay K at idinikit ang noo niya sa noo nito. Nagmistulang kamatis naman si K dahil sa ginawa ni vice.

"Wala ka namang sakit." Sabi ni vice na halata ang pag aalala.

"Ah...eh.. o..kay lang ako. You dont have to worry," sabi ni K at agad lumayo kay Vice.

Vice smirked, " Who said i was worried?"

"Eh?" Namula si K dahil sa kahihiyan at yumuko na lang. Akala niya nag aalala si Vice pero hindi pala. HOPIA!

Pinitik ni Vice ang noo ni K. " I'll go now. Maghilamos ka, ang kapal ng blush on mo" sabi niya sabay alis na tumatawa.

" Viiiiiiice!!!!!" sigaw ni K na iritang irita kay Vice. Hindi naman na ito pinansin ng binata at naglakad na palayo.

Gaya ng nakagawian, hinintay ni Vice si K sa labas ng school para sabay umuwi. Tumatakbo ngayon si K dahil 20 mins ng naghihintay si Vice sa labas,  nakipagkwentuhan pa kasi siya kila Anne at hindi namalayan ang oras.

" Vice, pasensya na. late ako", habol hiningang sinabi ni K ng madatnan si Vice sa labas.

"Dogs should not let their master wait. Forget it. Come one, i'll bring you home." malamig na tugon ni Vice at naglakad na.

"Problema nun? nalate lang naman ako ng ilang minuto eh. tss! Kung hindi ka lang talaga pogi eh!" sa isip ni K.

Kinagabihan. Dahil hindi pa inaantok, nag usap muna sila K at Coleen.

Karylle's POV

"Uhm sis, may sasabihin ako sayo", sabi ko kay Coleen.

"Sasabihin mo ba ate na may gusto ka kay kuya Vice at magpapatulong ka sa akin kung anong dapat mong gawin?" sabi niya.

"Oo ka-- Huh?! What?! Paano mo nalaman? Mind Reader ka na ba sis? Coleen ikaw ba to! sabihin mo! magsalita ka! nasaan ang kapatid ko!" sabi ko sakanya habang yinuyugyog siya.

"A...te..ang...O..A....mo..." putol putol niyang sabi kasi niyuyugyog ko siya,

"Eh paano mo nga nalaman?" Tanong ko sakanya na hindi pa rin makapaniwala. at binitiwan ko na siya.

"Relax ka lang ate, pwede? Uhm. Hindi ka rin kasi ate masyadong halata eh no. Kahit sino naman ate magkakagusto kay Kuya Vice, ang pogi pogi niya kaya!" kilig niyang sabi. Agad ko naman siyang binatukan.

"Tumigil ka! Akin yun!" sabi ko.

Tumawa naman ang gaga. "Hay nako ate. kung ako sayo, sasabihin ko na kay kuya Vice na gusto ko siya. Malay mo may chance ka pala."

" Eh paano kung mapahiya lang ako? Sino ba naman ako para magustuhan niya diba?" malungkot kong sabi,

"Wala namang mawawala kung itatry ate eh. Oh eto, kumain ka ng maraming HOPIA!" sabay abot sa akin ng 2 box ng HOPIA. bastos din tong babaeng to eh.

"Salamat ah. Laki mo talagang tulong eh. kaya nga love na love kita!" sarcastic kong sinabi at kinurot kurot ang pisngi niya,

"Aray! Aray'! ate naman eh!" sigaw niya.

Binitiwan ko na siya, "Matulog ka na nga!", sabi ko at humiga nalang, at tumitig sa kisame. "Hay. Sige, aaminin ko sakanya. pero paano?! Vice naman kasi eh! Bat ikaw pa!"

To be continued.

My Slave, My Lover (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon