12

354 14 0
                                    

Sa pagpapatuloy ng istorya.

Pagkatapos gamutin ni K si Vice ay bumalik sila sa labas para sa bonfire. Naisipan kasi nilang mag bonfire bago matulog.

K: Papunta na kami ngayon ni Vice kila Anne. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko at ramdam  ko ang init ng pisngi ko. Vice kasi eh! Masyado mo akong pinapakilig. waaaaaa! Natigil nalang ang kilig na nararamdaman ko ng may biglang nagsalita. Eksena!

Anne: Hey K! K! Karylle! Earth to K! (kumakaway kaway pa sa mukha ni K)

K: Ah ha? bakit??

Anne: Kanina ka pa tulala jan. Kung hindi ka siguro hinawak ni Vice, hindi ka hihinto sa paglalakad.

Pagtingin ni K sa kamay nya ay nakita nga nyang magkagholding hands sila ni Vice. Namula naman agad ang pisngi niya. Hindi naman ito nakaligtas sa mata ni Vice kaya napa smirk ito at binulungan si K.

Vice: Ang kapal ata ng blush on mo Karylle? (smirk)

Dahil sa hiya ay binitawan ni K si Vice at agad itong umupo. Natawa naman si Vice sa ginawa ni K kaya umupo nalang ito sa tabi niya.

Magdamag silang nagtatawanan at nagkwekwentuhan. Si  Vhong ang nagpapasaya ng gabi dahil sa mga waley jokes niya na nagiging havey na dahil sa expressions niya. Tipid lang ang mga ngiti ni Vice kasi halatang nabobored na siya kaya naisipan ni Vhong na maglaro ng Drink or Dare.

Vhong: Maglaro nalang tayo para mas masaya!

Anne: Ano naman lalaruin natin babe? (malambing na tanong)

Vhong: Drink or Dare babe. (masayang sabi)

K: Drink or Dare?? Paano yun??

Vhong: Ganito lang yun. Pag sayo huminto ang bote, mamimili ka if it's either Drink or Dare. If you will choose Drink, kailangan mong inumin ito. (itinaas ang baso)

Anne: Eeewww! Yuck Babe! Ano yan?!

Vhong: tubig dagat na may konting alak, laway, at pawis (evil laugh) Syempre pag Dare, paiikutin ulit ang bote at kung sino ang matuturo, siya ang magbibigay ng Dare. Game??

Anne: Yuck! Whatever happens, I will not choose Drink! Game! 

K: Ga..me? (hindi sure kung papayag at tumingin kay Vice)

Vice: Whatever.

Vhong: Oh! pumayag na kayo. Ako na maunang magpapaikot!

Ipinaikot na ni Vhong ang bote at tumama naman ito kay Anne.

Vhong: Babe, Drink or Dare?

Anne: DARE! (agad agad na sagot niya)

Vhong: Okay Dare daw, ipaikot mo na ang bote babe.

Ipinaikot ni Anne ang bote at tumama ito kay K.

Vhong: K, ikaw magbigay ng Dare. (sumesenyas pa ito na sakanya ipunta si Anne)

K: (natawa) Oh Vhong, para sayo ito. Anne, spend the next 2 rounds sitting on the lap of Vhong.

Anne: (tingin kay Vhong) Yun lang naman pala eh! (agad na umupo sa lap ni Vhong)

Vhong: (tuwang tuwa at halatang kilig na kilig) Thanks K! (tingin kay Anne) Babe wag ka masyadong gumalaw, may nag flaflag ceremony na eh.

Anne: Eww babe! (sabay tawa) Ipapaikot ko na ah.

Ipinaikot ni Anne ang bote at kay K naman ito tumama.

Anne: waaaa K! Drink or Dare!

K: Dare! (matapang na sabi)

My Slave, My Lover (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon