20

360 20 1
                                    

Billy's POV

Okay lang kaya si Karylle? Eh si Bestie? Nakapag-usap na kaya sila? Ugh!!! Alam ko na! Iset up ko nalang kaya sila. Oo tama! Yayayain ko muna si K. You're so brilliant talaga Billy boy!

To Karylle:

K? About last night, uhm. I'm sorry. Let me make it up to you. Magkita tayo ngayon. My treat? :))
------

Papayag kaya yun?? Sana pumayag! *beep* bilis ng reply ah!

From Karylle:

Sure Billy. :) And btw, about last night. Okay na yun. :)
----

Yes! Pumayag siya! At okay na rin siya!

To Karylle:

Thanks K! Sige, i'll pick you up nalang. I'll be there in 15 mins. See ya! :)
----

Hindi ko na hinintay pa ang reply niya. Dumiretso nalang ako sa kwarto at nagbihis.

End of Billy's POV

Sinundo ni Billy si K at pumunta sila sa Mall. At dahil parehong mahilig sa music ang dalawa ay sa KTV sila dumiretso. Kanta dito. Kanta doon. Pagkatapos ay nag window shopping naman sila. Tuwang tuwa naman si K kasi first time niya makapunta sa Mall na iyon. Hindi kasi siya pala gala talaga.

After 3 hours, naisipan na ni Billy na isagawa ang kanyang plano.

To Vice:

Bestie, punta ka dito sa Mall. I need you. I lost my wallet. :(
-----

Nagsinungaling nalang si Billy dahil alam niyang di siya pupuntahan ni Vice kung sasabihin niyang magpapasama lang.

From Vice:

Tss. How careless. Okay. I'll be there in 15 minutes.
----

Napangiti naman si Billy ng mabasa ang reply ni Vice at nagpaalam muna kay K na mag CCR para tawagan si Vice.

Phone calling........

Billy: Bestie! Sabi na nga ba hindi mo ako matitiis eh.

Vice: Tss. Kapag nagnakaw ka jan, siguradong ako ang tatawagan. Damay pa ako.

Billy: Hahaha. Siraulo! Btw, nandito ako sa Coconut Love Resto. Dito nalang tayo magkita.

Vice: I thought you lost your wallet?

Billy: Ah...Eh...He...llo? Bes..tie? Hin...di ki...ta ma..in..tin..di...han. Basta punta ka nalang dito. Bye.

Vice: Bi--

Hindi na natuloy ni Vice ang sasabihin ng bigla itong ibaba ni Billy.

Bumalik naman si Billy kay K at niyaya ito sa Coconut Love Resto.

" Ah K, order ka na. My treat." Sabi ni billy.

"Aba! Bumabawi ah." Sabi ni K na nakangiti.

"Syempre. Hindi ko naman kasi alam na walk out queen ka pala." Pang aasar ni Billy.

" Che! Kasalanan mo. " Inirapan ni K si Billy at sabay tawa.

Masayang nagkwekwentuhan ang magkaibigan ng biglang may nagsalita.

" Yan pala ang nawala ang wallet ah." Sabi ng lalaki na may pagkairita ang tono.

" Bestie! " sabi ni Billy at inakbayan si Vice.

Nagkatinginan naman si K at Vice. Napansin iyon ni Billy kaya nagsalita na siya.

" Ah. Eh. K, mauna na pala ako. May pupuntahan pa pala ako eh. Vice, ikaw na maghatid kay K ah. Sige Bye! " paalam ni Billy at nagmadaling lumabas.

My Slave, My Lover (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon