Operation: Win Vice's Heart

335 12 1
                                    

Pumunta si Billy sa bahay nila Vice para simulan na ang kanilang plano ni K.

"What are you doing here?" sabi ni Vice.

May pinakita si Billy na different types of girls kay Vice. May Sexy type, Fashion type, Losyang Type, Intelligent type, at marami pa. "Who do you like from these?" sabi ni Billy,

"Pumunta ka dito sa bahay para tanungin lang sa akin yang walang kentang bagay na yan?" sabi ni Vice na tila naiirita,

"Wag ng maraming dada. Just hurry up and pick one!" maawtoridad na sabi ni Billy,

"This one." walang nagawa si Vice kaya sinunod nalang niya si Billy.

"Ah. the Intelligent type." sabi ni Billy. "Okay. I'll go home na Vice. Thank You. Bye!" Paalam ni Billy at tumakbo paalis. Inilabas naman ni Billy at agad tinext si K.

To Karylle:

Hi K! Good News, got some info. Gusto ni Vice yung mga intelligent type na girls. :))))

Sa bahay naman nila K. Katatapos niya lang mag ayos ng higaan para matulog ng biglang mag beep ang phone niya.

From Billy:

Hi K! Good News, got some info. Gusto ni Vice yung mga intelligent type na girls. :))))

"Waaaaaa! Maaasahan talaga si Billy. Buti nalang. thank you Billy so much! " sa isip ni K at tuwang tuwa. agad din naman siyang nagreply,

To Billy:

Oh My G! Thank you so much Billy! :))))

From Billy:

No problem K. Sige, Good Night! Good Luck! :))

pagkatapos basahin ni K ang text ni Billy ay humiga na siya at nag isip isip ulit.

"Intelligent type pala ha." sa isip ni K.

Kinabukasan. Hindi sabay pumasok ng school sila Vice at K. Maagang pumasok si K. Gaya ng sinabi sa kanya ni Billy kagabi, Intelligent type ang ayos niya ngayon. Naka glasses, naka pony tail at nakahawak ng libro.

"What's with those?" sabi ni Vice nang makita niya si K.

Nagulat naman si K, " Ah. Uhm? Well, change of weather kaya i thought na it's time to have a make over to look like an intellectual type." sabi ni K na nagpose pose pa ng parang matalino.

Kinuha naman ni Vice ang glasses ni K at tinignan ito, "Tss. It's fake." sabi niya. " Hindi mo naman kailangang magmukhang matalino. And besides, you don't suit them." dagdag pa niya.

My Slave, My Lover (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon