Chapter 1 : Happily Ever After

49 0 0
                                    

Every love story has its beginning. “Erase, erase.” Ganito pala kahirap gumawa ng speech, parang nasa pelikulang madrama ang mga linya ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito habang iniisip ko ang mga mangyayari mamaya. Paano kung humindi siya, pano kung may sumigaw na itigil ang kasal. Kinakabahan ako, what if something went wrong. Ganitong -ganito ang pakiramdam ko ng sabihin ni papa na ipapatuli na niya ako.

“Ready ka na ba? Yung speech mo ayos na ba?” Tanong sakin ni Dumbo habang inaayos ang kurbata niya.

“Wala akong maisip pare, blangko ang isip ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin mamaya.”

Tinitigan lang ako ni Dumbo na parang naguguluhan, pinaalala niya sakin kung ano ang mga pinag-daanan ko para dumating sa araw na ito. Hindi ko alam kung ibang tao ang kausap ko or sadyang may tinatagong drama lang talaga si Dumbo.

“Pare, ilang taon ang hinintay mo. Sa wakas ikakasal na kayo. Madami man naging pagsubok, nahanap mo parin siya”. Tumunog sa isip ko lahat ng sinabi ni Dumbo, naalala ko yung hirap para lang makasama siya ulit.

On the way sa simbahan napadaan kami kung saan ako naaksidente, naalala ko lahat ng nangyari sakin eight years ago. Kung paano ko unang nakita si Claire at paano niya binago ang buhay ko.

“Kung kelan naman malapit na doon pa nag traffic, baka maunahan ka pa ng bride sa simbahan.” Pag rereklamo ni Dumbo.

Yari ako kay Ayen pag ako pa ang hinintay ng bride sa altar, baka nga sinasabihan na niya ang magiging asawa ko na wag ituloy ang kasal, na mali ang decisions niya. Naalala ko tuloy ang speech ko malamang papagalitan ako ni Ayen pag wala sa ayos ang mga sasabihin ko nakakatakot pa naman siya magalit.

Bumaba na ako sa sasakyan at naglakad papasok ng simbahan, nakita kong dumadami na ang tao sa loob. Ang iba ay naka ngiti saakin pero sila Dennis at Boks nag sensyas sa leeg na parang bibitayin na ako, napangiti nalang ako at tinuro ang mga bisita ng magiging asawa ko.

Napapikit at napa buntong hininga ako habang nakatayo sa tapat ng altar. Narinig ko na nag umpisa ng kumanta ang choir, napatitig ako sa kawalan and I remembered the promises that I made sa kinatatauyuan ko ngayon. Naramdaman ko ang pag akyat ng dugo sa ulo ko ng simulang mag palakpakan ng tao sa pag bukas ng pinto ng simbahan.

That girl who gave up everything for me, who sacrificed her own life so that I may live my own is standing in front of me. Kitang kita sa mukha niya ang saya, yung ngiti na hinding hindi mo makikita sa isang ordinaryong araw. Yung mga mata na nag sasabing kahit gaano kahirap ng buhay nandito lang siya para sakin.

Everything went silent, wala akong ibang marinig kundi ang pagtibok ng puso ko. Para sakin, ako at siya lang ang tao sa mga oras na ito. Naalala ko ang mga sinabi ni Ayen kagabi sakin. “I am so proud of you. She deserves your love and both of you have waited for this. Basta no matter what, do not break your promises. Claire will be happy and we both know that.” It just took two words para tuluyan mabago ang buhay namin ni Claire. “I do.”

Nakakatawa isipin na nakikita ko ang sarili kong nag lalakad papalabas ng simbahan hawak ang asawa ko. Hindi ko maiwasan maisip paano kung iba ang nakatuluyan ko, iba kaya ang pakiramdam ko ngayon? Paano kung hindi natuloy ang kasal ko, paano kaya ang magiging buhay ko? Napangiti nalang ako habang pasakay ng sasakyan papunta ng reception.

Para akong isang politiko na walang humapay sa pag bati at pag papasalamat sa mga tao na malapit sakin, pati narin ang hindi ko kilala ay kinakamayan ko at pinapasalamatan. Hindi ko mapigilan ang ngiti, sa totoo lang required ako mag smile dahil sa dami ng camera na kumukuha ng picture namin.

Wala pang thirty minutes ako nakaupo pinapatayo na ako agad ng host namin para mag bigay ng speech. Tinignan ko nalang ang asawa ko na naka ngiti sakin. I cleared my throat and started my speech.

“Every love story has its beginning; some are just too good that right away you might fall in love. Ours is the complete opposite. We met in the hardest of times and it took me a long time to realize what I have been keeping myself from. It’s worth the wait and now I am standing here before every one to tell how much I love my wife. It’s been years since we first met and I almost lost her, I did not only find a way to fight for her but to find that answer within me why I love her. If only words can express the sacrifices she made for me I would have told everyone how she changed my life. She made it her obligation to be by my side, to guide me and protect me, and now I am giving it all back to her...”

While giving my speech hindi ko maiwasan maalala ang mga nangyari samin. Napangiti ako ng makita ko ang asawa kong nakatitig sakin. Every word brings back the past, yung mga araw na nasa hospital ako na akala ng iba hindi na ako gigising.

Narinig ko ang palakpakan ng mga tao at ang pag tunog ng kutsara sa baso. Nilapitan ako ni Ayen at niyapos. May binulong siya sakin habang pinipigilan ang pag iyak, ngumiti lang ako sa kanya at sinabi ko na ayos na ang lahat.

“Always remember that this decision is for all of us. You made everyone happy, ang parents mo, ang asawa mo and even me. It’s been a long journey but we all made it. Salamat.”

Ngumiti lang ako ulit kay Ayen at niyakap siya. Nilapitan ko ang asawa ko at hinawakan ang kamay niya. Ngumiti lang ako sa mga tao at pinag bigyan ang hiling nila habang sumisigaw ng “Kiss! Kiss! Kiss!”

Tinitigan ko ang asawa ko at binulong sa sarili na ito ang muka na gigising sakin tuwing umaga at ang kasama ko hanggang sa huling pag pikit ko, masakit man aminin pero ayos lang na hindi na ako magising basta siya lang ulit ang makita ko.

“Andrew, ayos ka lang ba?” Ngumiti ako kay Mama at sinabi ko na ayos lang ako. Tinitigan ko ulit ang asawa ko, napabuntong hininga nalang ako at napa ngiti ulit. Naluluha ako pero masaya ako at ito ang naging buhay ko at never ako nag sisi sa mga naging decision ko kahit ano pa man ang maging consequences nito.

Niyapos ako ni Papa ng makita niyang naluluha ako, hinawakan ni Mama ang kamay ko at sinabing may ipapakita sila sakin. Tulad nga ng sinabi ni Dumbo marami ng dumaan sa buhay ko pero gusto ko sana malaman kung saan ito papunta, kung paano ang mga susunod na storya ng buhay ko.

“Anak, we know paulit ulit ka namin pinag sasabihan ng Papa mo, but just so you know we are very happy for you.”

Hinawakan ni Papa ang balikat ko, napatingin ako sa kanya at nakita ko si Claire na nakangiti sakin. Dahan dahan akong dinala ng mga alaala ko kung paano ko siya nakilala. Napangiti akong lumuluha at napatingin kay Mama. “Salamat po.” Yan lang ang nasabi ko sa magulang ko

Naalala ko ang mga kwento nila Papa saakin kung paano sila nagkakilala ni Mama. May kanya kanyang saya at lungkot silang pinag daanan at naalala ko lahat lahat ng nangyari sakin, marami ng magbabago sa buhay ko ngayon, lalo na sa buhay ng asawa ko, maraming kakalimutan at iiwanan.

Pumasok sa isip ko lahat kung paano nag simula ang pag babago sa buhay ko, ang mga sugat, lungkot at kahit ang mga simpleng sandali na nag bigay ng saya sakin. Naalala ko ang isa sa pinaka masakit at maligayang araw ng buhay ko. Kung paano ko nakilala si Claire at kung paano ko siya minahal.

Bago Mag Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon