FRANZESS IAH
MALALAKI ang hakbang na ginagawa ko para lang mahabol ang bilis ng paglalakad niya. Hindi ako puwedeng magreklamo dahil siguradong bulyaw lang ang matatanggap ko mula sa kaniya.
Hindi ako katangkaran kung ikukumpara sa kaniya. 6'2" ang height niya. Walang-wala ako kumpara sa height kong 5'5" lang.
"Good morning, Mr. Allen," bati sa kaniya ni Visha. Kilala ito bilang dakilang chismosa nitong modeling agency. Hindi ko siya kinakausap dahil mukhang mainit ang timpla niya sa akin.
Hindi siya pinansin ni Sir at nagtuloy-tuloy ito sa elevator na agad ko rin namang sinundan.
"My schedule," anito, at para na naman akong natataranta.
"A-ako po ba ang kausap ninyo?" tanong ko sa kaniya kaya't bigla niya akong nilingon.
"Are you messing with me?" seryoso niyang sagot. Gusto ko lang naman talagang manigurado.
"S-sorry po," anas ko at binuklat ko ang dala kong notebook na maliit, saka ko binasa ang schedule niya. "10 a.m. po, may meeting po kayo with Mr. Aragon. 1 p.m. po, may lunch meeting kayo with Ms. Ficasa. 3 p.m. po, may pictorial kayo sa Adeline Studio. 6 p.m. po, may tugtog po kayo sa Viszel Bar and Restaurant, hanggang 8 p.m. na po iyon," paliwanag ko sa kaniya.
Nakatitig lamang siya sa akin habang nagsasalita ako kaya't nagpapasalamat ako na hindi ako nauutal. Kahit saang anggulo ko tingnan, patuloy pa rin akong hinahalina ng asul niyang mga mata na punong-puno ng kakaibang karisma.
"Cancel my appointment with Jassy Ficasa. I don't want to see her," utos niya sa akin at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Hindi ko maproseso ang sinabi niya dahil parang patuloy akong nilalamon ng mga mata niya patungo sa walang hanggang kasarinlan. "Stop staring, woman. I'm fucking commanding you."
Ang nakakatakot niyang boses ang nagpabalik sa akin sa katinuan.
"S-sorry po, Sir," paghingi ko ng paumanhin ngunit hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.
Sa mga oras na ito, nananalangin akong bumilis talaga sa pag-akyat itong elevator. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang makipagtitigan sa kaniya sa mga susunod na segundo . . . dahil hindi rin naman ako makapagbaba ng tingin gawa ng parang napako na ang mga mata ko sa mga mata niya.
"Just cancel my meeting, woman. No reason, just cancel it," utos niyang muli kasabay ng paghinto ng elevator at ng paglabas niya rito.
Mabilis akong napahawak sa dibdib ko dahil sa kakaibang kaba. Kailangan kong alisin ang mga ganitong pakiramdam sa akin. Kailangan kong alisin ang mga kakatwang paruparo na pinipilit makipaglaro sa kalamnan ko.
Hindi ang isang gaya ni Red Yvan Allen ang dapat kong kahulugan dahil wala sa bokabularyo niya ang pagsalo. Higit pa roon, hindi ko dapat kalimutang nasa tabi niya ako dahil ipinambayad ko ang sarili ko sa kaniya para sa malaking pagkakautang.
Agad na rin akong lumabas ng elevator at sinundan siya na walang katok-katok na pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Darius Aragon.
"Good morning, Mr. Allen," bati sa kaniya nito ngunit wala siyang pakialam na naupo lang sa sofa.
"Good morning po, Mr. Aragon," bati ko sa lalaki at ngumiti naman ito sa akin.
"Good morning, beautiful Franz. Maupo ka na muna riyan. Magpapahanda lang ako ng inumin. Chocolate drink ang favorite mo, hindi ba?" anito sa akin na ikinatango ko. Ngumiti naman ito sa akin.
Agad ko itong sinunod at naupo ako sa kaharap na sofa ng inuupuan ni Red.
Halos mapasinghap ako nang mag-angat ako ng tingin at nakita ko si Red na masamang-masama ang tingin sa akin. Ang asul niyang mga mata na nakahahalina, ngayon ay tila nais akong bigla na lamang sunggaban at lamunin nang buong-buo. Kitang-kita ang pagsama ng timpla niya.
BINABASA MO ANG
Debt and Pleasure
General FictionLeft with no choice, Franzess Iah Millado is forced to marry Red Yvan Allen to pay off her debt. But when their feelings slowly turn real, can they finally move on from the past and heal? *** Franzess Iah Millado's world is turned upside down when s...
Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte
