Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

CHAPTER THREE

275K 6.2K 1.1K
                                        


FRANZESS IAH

KINAKAIN na yata ako ng kung ano-anong isipin sa utak ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko rin alam kung madi-disappoint ba ako, kakabahan, mae-excite, magtataka, o magdududa. Ang lakas ng kakaibang impact ng sinabi niyang iyon sa national TV na hindi ko magawang itanong sa kaniya kung sino at ano'ng ibig sabihin.

"Hi, Franz! Si Boss Red?" tanong sa akin ni Alas. Kadarating lang nila sa venue. Kanina pa kami nandito ni Red dahil nga mabilis din magpatakbo si Manong Oliver. Pagkatapos na pagkatapos namin sa talk show ni Ms. Ficasa, dito na agad ang deretso namin.

"Nasa loob ng dressing room—"

"Pakitawag naman. Pretty please?" ani Alas, at nag-puppy eyes pa kaya't napapailing akong tumango sa kaniya.

"Ibabala mo na naman siguro siya sa fans mo, 'no? Hindi ka na talaga nagtanda. Alam mong lagi ka niyang nasisinghalan sa ganiyan pero sige ka pa rin nang sige," tumatawang sita ko sa kaniya pero nag-peace sign lang siya sa akin, saka ngumiti na halos hindi na kita ang mga mata niya sa pagkasingkit.

"Call him, and kindly get me a glass of water in the dressing room. Thank you, Franz," ani Casspian at ngumiti naman ako sa kaniya at saka tumango. Ang formal talaga niya kahit saang anggulo.

Naglakad ako patungo sa dressing room. Hindi na ako kumatok dahil sigurado naman akong kung hindi siya naglalarong smart phone niya, kasalukuyan siyang umiidlip. Iyon lang naman ang mga bagay na madalas niyang gawin.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay parang muntik yatang mapugot ang hininga ko. Naabutan ko kasi siyang walang kahit na anong suot bukod lamang sa brief niya kung saan nakabakat ang pagkalalaki niyang tila nagmamalaki.

"Eyes on my face, not on my dick," sita niya sa akin, at parang bigla akong nahiya kahit pa makailang beses ko naman nang nakita iyon.

"S-sorry, Sir." Napahingi na lang talaga ako ng paumanhin. Brief nga pala ang imo-model niya sa pictorial ngayon. Kaya naman nandito ang mga kabanda niya ay dahil isasabay na rin ang pictorial nila para sa concert nila. Gagamitin yata sa mga ipamimigay na ticket at promotion ads.

Nakita kong kinuha niya ang pantalon niyang nakasabit sa gilid saka niya mabilis na isinuot iyon. Alam kong hindi naman siya nahihiya sa akin dahil nga mag-asawa naman kami at makailang beses na rin naming nakita ang isa't isa nang hubo, pero kung ako ang tatanungin, hindi ko kayang masanay.

Higit pa sa salitang maganda at well-built ang katawan ni Red. Para siyang inukit ng pinakamagagaling na iskultor sa buong mundo. Tone na tone ang mga muscle niya na kahit maghapon mong titigan, hindi mo pagsasawaan, at idagdag mo pa nga ang mukha, lalong-lalo na ang mga mata niyang ang sarap na lang mabuhay na iyon ang nasisilayan.

"Stop spacing out. What do you want?" tanong niya sa akin at parang bigla akong nasamid kahit pa wala naman akong iniinom.

"P-pinapatawag ka kasi ni Alas at nagpapakuha rin ng tubig si Casspian—"

"He has his own PA. Why does he have to command you?" kunot-noong tanong niya sa akin at hindi ko alam kung ano'ng dapat kong isagot sa kaniya.

"Nakisuyo lang 'yong tao, Sir. Hindi naman po ako inutusan," sagot ko sa kaniya, saka ako yumuko at napakagat sa labi. Ayaw na ayaw niya talagang kinakausap ko ang mga kabanda niya. Pakiramdam ko, iniisip niyang sasabihin ko sa kanila na kasal kami kahit hindi naman. Hindi ko kahit na kailan ilalagay sa alanganin ang pangalan niya. Tama nang nagkaroon ako ng pagkakautang sa kaniya. Hindi ko na muling sisirain pa siya.

Hindi ko alam pero tila biglang binalot ng dilim ang buong dressing room dahil sa isinagot kong iyon. Tila nagkaroon ng madilim-dilim na kaulapan sa paligid.

Debt and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon