FRANZESS IAH
KATATAPOS lamang akong ayusan ng mga inupahan niyang makeup artist at ang natira na lamang dito ay iyong dalawang babaeng tutulungan akong isuot ang gown na pinili niya para sa akin.
"Pasensiya na kayo sa pang-aabala ko," wika ko sa mga ito ngunit nginitian lang nila ako. Parang wala silang karapatang magsalita o kausapin ako.
Kahapon sa boutique, hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Basta ang alam ko ay dinamitan na lang ako bigla ni Red dahil lang tumunog ang alarm ng buong mall na parang mayroon yatang sunog. Mabilis din naming nilisan ang lugar na iyon kaya't naudlot ang hindi dapat maudlot.
Sinimulan na akong tulungang magsuot ng gown ng dalawang babae at nakikita ko mula sa maliit na salamin na namamangha sila sa katawan ko. Kahit hindi ako lumaking mayaman—dahil maaga akong naulila sa mga magulang sa edad na sampu—masasabi kong maganda ang kutis at katawan ko. Kahit paano ay hindi ko ito napabayaan.
Nang matapos naming maisuot ang gown ko ay sila na rin ang tumulong sa aking suotin ang glass sandals na binili rin ni Red para sa akin.
Alam ko namang ayaw lang niyang mapahiya ako sa kamag-anak niya kaya niya ito ginagawa sa akin. Hindi ko kailangang mag-isip ng mga bagay na alam kong ikasasakit ko lang sa dulo.
"Ayos na po, Ma'am," anang isa sa mga babae sa akin at nginitian ko sila.
"Salamat sa inyo," wika ko at tumango naman sila, saka lumabas na ng silid.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at ako mismo ay namangha sa sarili ko. Kahit paano naman pala ay may maibubuga ako.
Bumagay ang eyeshadow na inilagay sa akin dahil nailabas nito ang taglay na karisma ng mapupungay kong mga mata. Madalas kasi nilang sabihin na sa sobrang haba ng pilikmata at eyelids ko, parang laging inaantok ang mga mata ko. Maganda rin ang matte lipstick na nasa labi ko na hindi ko alam kung anong kulay ang tawag dahil hindi naman ako nagpapahid ng ganito. May kaliitan lamang kasi ang maninipis na labi ko ngunit hubog na hubog ito na tinernuhan ng matangos kong ilong na nakuha ko kay Tatay.
Lumabas ako ng silid, at nagulat ako dahil nasa harap ng pinto ng kuwarto si Red habang nakasandal sa railings ng hagdanan. Nakatukod ang kanan niyang paa sa kaliwang bahagi ng kaliwa niyang paa na animo'y naka-number four ang mga ito at nakapamulsa siya sa suot niyang navy blue na slacks. Naka-navy blue rin siyang suit na animo'y tinerno sa suot kong gown.
"R-Red. . . ." utal na tawag ko sa kaniya dala ng pagkabigla ko. Hindi maipagkakaila ang isinisigaw niyang kaguwapuhan. Hindi ko alam pero tila napakasarap niyang sambahin sa mga oras na ito.
Franzess, kalamayin mo nga 'yang loob mo!
Ngumisi siya sa akin at umalis sa pagkakasandal at saka ako nilapitan. Akala ko ay may sasabihin siya ngunit inangat niya ang kanang kamay niya at bigla na lamang niyang pinagapang ang likod ng hintuturo niya sa collarbone kong naka-expose ngayon. Nakakapaso! Kasabay pa niyon ay ang pagtitig niya sa mga mata ko na animo'y nais niyang subukin kung hanggang saan ang pagtitimpi ko.
Nakita kong dahan-dahan niyang pinagapang ang dila niya sa pang-ibabang labi niya, at muling pumorma ang ngisi sa mga iyon nang makita niyang sobrang naapektuhan na ako.
"Stop drooling, woman. We have an event to attend," aniya sa akin, saka hinaplos ang naka-expose kong kanang braso at nauna na siyang bumaba ng hagdanan.
Oh God, Red. Why am I craving for you even more?
NAKARATING kami sa malaking mansiyon ng mga magulang ni Red, at base sa dami ng sasakyang nasa labas, mukhang napakaraming bisita ang narito.
BINABASA MO ANG
Debt and Pleasure
General FictionLeft with no choice, Franzess Iah Millado is forced to marry Red Yvan Allen to pay off her debt. But when their feelings slowly turn real, can they finally move on from the past and heal? *** Franzess Iah Millado's world is turned upside down when s...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte
