NAGLALAKAD ako ngayon patungo sa dressing room niya habang bitbit ko ang lahat ng mga bag at mga damit niya na nakalagay sa hanger.
"Bakit ngayon ka lang? Mukha ka pang ngarag, bruha ka! Sana hindi ka niya pagalitan," umiiling na wika sa akin ni Jolina—PA ni Casspian, kasamahang model at band member ng taong pakay ko.
"Nasiraan kasi ng sasakyan si Manong Oliver kaya hinintay ko pa siya. Alam mo naman na lagi akong walang pera kaya hindi ako nakapag-commute," malungkot na pahayag ko sa kaniya.
Iiling-iling na tiningnan niya ako, saka siya ngumuso sa gawing likod na parang sinasabing tumuloy na ako sa dressing room. Agad ko rin naman siyang sinunod dahil baka umiinit na rin ang ulo ng taong sadya ko roon.
Pagpihit ko ng seradura ng pinto ay bumungad siya sa akin na nakaupo at nakasandal sa puting monobloc chair habang nakapikit. Hindi talaga maipagkakaila ang kaguwapuhang taglay niya kahit saang anggulo. Ang sarap niyang pagmasdan. Makapal ang mga kilay niya, mapungay ang mga mata gawa ng mahahaba at makakapal na pilikmata na tinernohan ng matangos na ilong, magandang hubog na panga, at mapupulang labi na wari ba'y hinubog ng mga bathaluman.
"Stop staring at me," aniya na gumulat sa akin, saka iminulat ang mga mata kaya't muli ko na namang nasilayan ang kabughawan ng mga matang iyon. Sadya talagang nakahahalina.
"P-pasensiya na," utal na wika ko, saka ako yumuko.
"You know that it is an important day for me and you're late?" aniya sa mababang tono ngunit damang-dama ko ang awtoridad na hatid nito sa sistema ko.
Nag-angat ako ng ulo at bahagyang luminga sa paligid. Nagpapasalamat ako na wala siyang kasamang kahit na sino rito sa dressing room dahil ayaw kong may makakita kung gaano ako sobrang naiintimida sa kaniya.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at tila nanginig na ang mga tuhod ko. Alam kong . . .may kakaiba na namang mangyayari sa akin kaya't muli akong yumuko.
Nakikita ko ang bawat paghakbang niya palapit sa akin kaya't humakbang ako paatras kahit pa nakayuko ako.
Muli na naman siyang humakbang pasulong at humakbang din ako paatras. Nagpatuloy kami nang ganoon hanggang sa maramdaman kong tumama na ang likod ng hita ko sa isang matigas na bagay.
Lilingunin ko sana kung saan ako tumama ngunit marahas niyang kinuha ang mga hawak kong bag at hanger. Napalingon ako sa kaniya, saka niya hinagis ang mga iyon sa kung saan.
"S-Sir. . . ."
Bigla niya akong binuhat gamit lamang ang isang kamay niya at marahas na inupo sa dressing table na naroon. Wala siyang pakialam kung ano man ang maupuan ko. Puting bestida ang suot ko ngayon kaya't siguradong may magmamantsa roon.
"You frustrate me every time, woman," bulong niya sa akin, saka niya inilapit ang mga labi niya sa leeg ko. "And you know that whenever I'm frustrated, you have to face the consequences," pagpapatuloy niya habang nararamdaman ko ang ibinubuga niyang mainit at nakakakiliting hangin sa leeg ko.
"S-Sir. . . ."
Bigla niyang pinagapang ang kanang kamay niya sa kaliwang hita ko. Halos yanigin ang dibdib ko nang magsimula itong dahan-dahan na maglakbay at tila nais tumbukin ang pusod ng pagkatao ko. Napapikit ako . . . hindi ko mapigilan.
Tatakasan na yata ako ng bait nang idinampi niya ang mga labi niya sa leeg ko. Dama ko ang paggapang ng kuryente maging ang nakapang-iinit na pakiramdam sa sistema ko.
Nang laruin niya ng dila niya ang leeg ko ay lalo pa akong nawala sa sarili ko. Naiarko ko ang katawan ko at bahagya pang tumama ang ulo ko sa salamin ngunit hindi ko ininda iyon. Mas lamang ang dulot niya sa akin sa mga oras na ito.
"Shall I start being cruel?" bulong niya at tuluyan na akong tinakasan ng bait nang bigla niyang ilislis ang suot kong pang-ilalim.
"S-Sir. . . ." Naramdaman ko na lang na bahagya na niyang hinahaplos ang pang-ibaba ko.
Nakakadarang at gusto kong sumabog . . . gustong-gusto ko—o baka higit pa sa salitang gusto.
Parang ang bagal ng paligid. Parang nagso-slow motion ang lahat. Parang may kaganapang hindi ko mapigilan kasabay ng pagbagal ng oras.
"S-Sir, please. . . ." I begged. I was really begging for him. Kabaliwan man, pero hindi ko mapigilan.
Idinilat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang asul na mga mata niya maging ang nakangisi niyang mga labi. Lalo lamang niya akong binabaliw sa taglay niyang karisma.
He inserted a finger inside me that made me shiver. "Wet," he teased.
"Uhm. . . ." impit na ungol ko dahil nagsimula na siyang laruin ang lagusan ko.
Gusto ko siyang hilahin palapit at magkunyapit sa batok niya ngunit tila ako'y nawawalan ng lakas.
"Enjoying much?"
Akala ko ay magpapatuloy pa siya ngunit bigla na lamang siyang lumayo sa akin kasabay ng paghugot niya ng daliri niya mula sa loob ko. Pinunasan niya ng tissue ang daliri niya. Nakitang pinadaanan niya ng dila ang pang-ibaba niyang labi habang nakayuko siya at naroon sa daliri niya ang atensiyon.
"S-Sir, why—" Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinapunan niya ako ng nakakatakot na tingin kaya't hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin ko.
"Keep craving as much as I do. I own you. I will only give you what I want to give you," nakangisi niyang pahayag, saka ako tinalikuran at muling bumalik sa kinauupuan niya kanina.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at yumuko.
Wala akong karapatan sa kahit na ano. Wala akong kahit na anong kalayaan para magsalita o gawin ang gusto ko, o kahit pa ang humiling sa kaniya lalo na sa bagay na iyon dahil walang kahit na anong katumbas ang pagkakautang ko sa kaniya.
I am his possession. I have a huge debt to pay off.
Red Yvan Allen owns me—he owns Franzess Iah Millado.
BINABASA MO ANG
Debt and Pleasure
General FictionLeft with no choice, Franzess Iah Millado is forced to marry Red Yvan Allen to pay off her debt. But when their feelings slowly turn real, can they finally move on from the past and heal? *** Franzess Iah Millado's world is turned upside down when s...
Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte
