Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

CHAPTER SIX

247K 5.6K 964
                                        


FRANZESS IAH

HALOS hindi ko maproseso ang ginawa at sinabi ni Red. Bumigat ang bawat paghinga ko na para bang hindi ko maisip kung ano pa ang mga susunod niyang sasabihin.

Balak ko sanang agawin mula sa kaniya ang kamay ko ngunit nagulat ako nang pagsalikupin niya ang mga kamay namin.

Higit pa siguro sa salitang gulat ang makikita sa mukha ko ngayon. Kakaibang pakiramdam ang dulot ng kamay niya sa kamay ko. Para akong napapaso ngunit hindi ko gustong lumayo o alisin ang kamay ko sa kamay niya.

"Red, a-ang kamay ko—"

"What?" sabi niya saka ako hinila patayo.

Nagulat ako nang magkahawak-kamay naming tinalunton ang kinaroroonan ni Alaina na para bang hindi inaasahan ang ginawa ni Red.

"H-how . . . how could you leave me for this woman?" ani Alaina nang makalapit na kami sa kaniya.

Napakagat-labi ako dahil sa tanong niya at napayuko. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ni Red sa tanong na iyon ni Alaina, dahil kung ako ang tatanungin, hindi ko rin naman alam ang kasagutan. Hindi ko mahanap ang tamang dahilan kung bakit ako ang pinili ni Red kaysa kay Alaina. Maraming paraan para makabayad ako ng utang ngunit ito pa ang pinili niyang paraan.

Nag-angat ako ng tingin nang hindi pa rin sumasagot si Red, at natagpuan ko siyang sa akin pala nakatuon ang mga mata.

"How many times do I have to tell you that you should be proud that I am your husband?" aniya at parang muli na naman akong naestatwa sa sinabi niyang iyon.

Hindi ko inakalang sasabihin niya iyon sa harapan mismo ng dati niyang kasintahan at dapat na pakakasalan, na alam kong minahal niya nang buo at totoo. Para akong nananaginip. Hindi ako makapaniwala.

"S-sorry. N-nahihiya ako. Sa tuwing kukuwestiyunin nila ang pagiging asawa ko sa 'yo . . . p-pakiramdam ko, wala akong karapatang manatili sa tabi mo," sabi ko, saka ako muling yumuko.

May mga luhang nagbabadya sa mga mata ko at gusto kong gawin ang lahat para lamang mapigilan ang pagpatak nila. Ayaw kong gumawa ng eksena. Ayaw kong sirain ang kaarawan ni Papa Arthur. Ayaw kong gumawa ng bagay na magiging dahilan para lalo akong pag-usapan ng pamilya ni Red.

Hinatak niya ako bigla para mas mapalapit pa sa kaniya. Halos nakayakap na ako sa katawan niya. Gulat na gulat ako sa mga oras na ito. Hinding-hindi ko inaasahang mangyayari ang ganito kahit na kailan!

Napatingin ako kay Alaina at bakas sa mga mata niya ang lungkot at sakit. Naiintindihan ko siya. Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman niya pero hindi ko magagawang ibigay si Red sa kaniya gaya ng ninanais ng mga mata niya.

"Reason? My wife is honest. She tells me everything that runs in her mind," ani Red at nakita ko pang ngumisi siya kay Alaina. "Don't fucking think that I am using her to hurt you . . . because I no longer care about you, Ms. Hillman. So if you'll excuse us, we're going home. I don't want to ruin my wife's night, making her think that she's not enough," mahaba niyang turan kay Alaina at nakita kong tuluyan nang tumulo ang mga luha nito ngunit walang pakialam si Red. Iginiya na niya ako palayo sa mga tao at papalabas ng mansiyon.

"Red. . . ."

"I told you, there's no reason to be jealous."

ABALA ako sa pag-aasikaso sa mga susuotin nilang lima dahil ngayon ang isang mini concert nila sa bayan ng Bulacan. Pumayag si Seiver na magtanghal dito dahil sa bayan na ito siya isinilang.

Ang alam ko ay nakiusap ang mayor nitong San Ildefonso, Bulacan sa kaniya. Binabalak yatang lumikom ng pera para sa mga nalindol noong nakaraan.

"Franz, can you please give me my blazer? Thank you," pukaw sa atensiyon ko ni Casspian habang inaayusan siya ng makeup artist. Napatitig na pala ako sa salamin na kinahaharapan ni Casspian, hindi ko pa napansin.

Debt and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon