Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

CHAPTER FOUR

268K 5.7K 602
                                        


FRANZESS IAH

SAKAY kami ng sasakyan niya at hindi siya nagsasalita. Hindi ko rin naman magawang magbukas ng topic dahil kapag hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, siguradong lagot na naman ako.

Ginising niya ako kaninang alas-singko ng madaling-araw at sinabi niyang kanselahin ko ang lahat ng appointment niya para sa araw na ito. At nang tanungin ko siya kung bakit, ang tanging isinagot lamang niya sa akin ay blangkong tingin kaya't hindi na ako muling nagsalita pa.

Sobrang tahimik. Bubuksan ko na sana ang radyo ng sasakyan nang bigla na lamang niya akong pigilan.

"I hate noises," aniya at napatigil ako. Napadako ang tingin ko sa kamay ko na hanggang ngayon ay hindi niya binibitiwan.

"Sir—"

"But if it's all about your moan, I would gladly hear it," aniya at saka niya binitiwan ang kamay ko. Ako naman ay parang napaso dahil sa sinabi niya.

Napalingon ako sa kaniya at may matipid na ngisi sa mga labi niya habang nakatingin siya sa harapan.

Aminin ko man o hindi, ang isang Red Yvan Allen lamang ang bumaliw sa akin nang ganito at wala nang iba pa. Kayang-kaya niyang ilabas ang init sa katawan ko na hindi ko alam na mayroon pala ako.

"S-saan po ba tayo pupunta—"

"You better call me Red, woman. We're not at work. And don't fucking make me repeat my words. I'm not good at forcing people, but I am fucking good at making them obey me," seryosong turan niya nang hindi man lamang ako nilingon.

Sa tuwing nagkakaganito siya, hindi ko makuhang matakot. Lamang na lamang ang pagkamangha ko dahil nakikita ko siyang naglalabas ng emosyon kahit pa sa ganitong paraan lamang.

Hindi na ako kumibo pa at hinayaan ko na lamang siyang mag-focus sa pagmamaneho. Mahirap siyang guluhin dahil siguradong kung hindi singhal ang matatanggap ko, kakaibang salita na kapag binigyan ko ng malisya ay mahuhulog ako sa taglay niyang karisma.

Malayo-layo na ang nararating namin hanggang sa huminto siya sa tapat ng malaking mall. Nag-shades muna siya, saka bumaba ng sasakyan kaya't agad naman akong sumunod.

Nililingon siya ng mga taong nadaraanan namin ngunit wala siyang pakialam. Nakapamulsa lamang siyang naglalakad at tila hindi iniinda ang mga bulong-bulungan sa paligid.

"R-Red . . . !" tawag ko sa kaniya dahil ang lalaki ng mga hakbang niya. Idagdag pa na may mga nakasunod na sa likuran namin na tila mga fan niya.

"Walk here beside me. You're not my assistant right now, you're my wife," may kalakasan ang pagkakasabi niya niyon kaya't agad akong napalinga sa paligid kung may nakarinig ba. Mabuti na lang at malayo-layo pa ang mga tao sa amin.

Hindi ko maiwasang maikumpara ang itsura naming dalawa habang nasa unahan ko siya. Nakasuot lamang siya ng black oxford leather shoes, straight-cut maong pants, and navy blue plain shirt pero para na siyang artista sa Hollywood. Pakiramdam ko, kapag tumabi ako sa kaniya, magmumukha akong tagapunas ng pawis niya. Ang suot ko lamang ay itim na leggings at puting blouse na tinernohan ng sandalyas.

Binilisan ko nang bahagya ang paglalakad ko hanggang sa makasabay ko na siya. Tila wala lang sa kaniya na kasabay niya ako habang ganito ang itsura ko. Wala siyang pakialam, dahil siguro hindi naman alam ng mga tao na ako ang asawa niya.

Pumasok kami sa isang boutique, at saktong pagpasok namin ay lumabas ang lahat ng customer sa loob niyon. Gulat man ako ay sumunod na lamang ako kay Red. Hindi ko gustong mabulyawan sa lugar na ito.

Debt and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon