Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

CHAPTER NINE

235K 5.5K 1.5K
                                        


FRANZESS IAH

HINDI ko alam kung sa paanong paraan ko ba dapat sagutin ang tanong niya. Totoong nabigla ako dahil hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya iyon.

"I-I'm sorry," sabi ko at saka ako biglang tumayo mula sa kandungan niya at tumakbo palabas ng kuwarto.

Habol-habol ko ang hininga ko nang makababa ako patungo sa kusina at nakita ko pang nagulat si Nana Mela pagkakita sa akin.

"Susmaryosep kang bata ka! Bakit ka ga humahangos?" tanong niya sa akin. "Hindi ka naman sinaktan ni Red, hindi ga?"

"H-hindi po, Nana. May ipis po kasi sa kuwarto kaya napatakbo ako pababa," habol-hiningang pagsisinungaling ko na ikinatawa naman nito.

"Ikaw talagang bata ka. Akala ko naman ay napa'no ka na. O, siya, tawagin mo na ang asawa mo at tapos na ako sa niluluto ko nang makakain na kayo," aniya at parang ayaw kong sumagot ng opo.

Ayaw kong umakyat sa kuwarto. Baka bigla akong tanungin ni Red kung bakit hindi ko siya sinagot at kung bakit ko siya tinakbuhan. Mahirap pa namang hulaan ang tumatakbo sa utak niya.

"B-bababa na rin po siguro iyon si Red, Nana," sagot ko sa kaniya at saka ako nagmamadaling naupo sa harapan ng hapag.

Tahimik lang ako habang nagsasandok si Nana Mela. Wala pa rin si Red hanggang ngayon. Baka utusan na naman ako ulit ni Nana.

Nailapag na ni Nana Mela ang ulam at kanin sa harap ko. Amoy pa lang, alam na alam ko na agad na masarap. Amoy na amoy ang aroma ng gata.

"Salamat po, Nana. Amoy pa lang, masarap na," wika ko at saka ako nagsandok ng kanin ko.

Saktong sasandok na ako ng ulam nang bigla na lamang sumulpot si Red sa entrada ng kusina.

"Why didn't you call me?" kunot-noong tanong niya sa akin at naglakad patungo sa normal na inuupuan niya—mali, naglakad siya patungo sa likod ng kinauupuan ko.

Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko kaya't agad akong napaigtad sa gulat. Napapadalas ang paghawak niya sa akin na lalo kong ikinakakaba.

"S-sorry. Akala ko kasi, b-busy ka—"

"How come? The reason why I wanted to be busy . . . suddenly ran away and left me," makahulugang wika niya kaya't agad kong sumulyap kay Nana Mela na nakikinig sa amin pero kunwaring nagpupunas ng plato. May pilyang ngiti sa mga labi niya.

Jusko. Nana naman, e!

"N-nagugutom na kasi ako," sagot ko. Akala ko ay hahayaan na niya ako ngunit naramdaman ko bigla ang mainit niyang hininga sa kaliwang tainga ko.

"You should've eaten me. I could relieve your hunger, Mrs. Allen," pang-aasar niya sa akin at naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko dahil awtomatikong tumakbo sa utak ko ang pag-i-imagine sa sinabi niya na hindi naman dapat! Masyado nang napopolusyunan ang utak ko nitong mga nakaraan.

"R-Red—"

"Eat," utos niya at saka na siya lumayo sa akin at naupo sa puwesto niya.

Sumandok siya ng pagkain saka nagsimulang kumain.

Nitong mga nakaraan, lagi ko naman siyang nakakasabay at nakikitang kumain pero hindi ko pa rin makuhang masanay. Hindi ko talaga inakala na aabot kami sa ganito na makakatabi ko na siya. Noon, tingnan o palihim lamang akong sumulyap o tumabi sa kaniya, agad na siyang nawawala sa mood o hindi naman kaya ay nagagalit at bigla na lang aalis.

"Stop daydreaming, woman. Eat," aniya kaya't agad kong sinunod ang sinabi niya. "Maybe after eating, you'll have enough power to answer multiple simple questions," pahabol na pasaring niya sa akin at pagkita ko ay nakangisi na siya.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay M A Y O R A, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni M A Y O R A
@Ice_Freeze
Left with no choice, Franzess Iah Millado is forced to marry Red Yvan...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 48 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Ice_Freeze.
Debt and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon