Ngayon, sa t’wing gagawa ako ng tula
Bigla na lang akong natutulala
Bakit kaya?
Siguro dahil nasa isip kita.
Hahaha joke lang (kahit totoo) kinilig ka naman jan
Tawa ka lang basta wag mo ‘kong sisihin pag sumakit ang t’yan
Pag ako’y titignan, wag mong lagkitan
Pag ako’y nainlab, walang sisihan
Natatawa ako pag sinasabi mong, “Sige wag, sige wag”
Di ko tuloy malaman kung pagtutol o pagsang-ayon yan
Hmmm naku, sabi ko na nga ba
Tingin ko joke na naman yan
Siguro nagtataka ka na
Hephep! Bawal ang maling akala
Kaya binigay ko sa’yo ang aking likha
Pagka’t nagawa ko ‘to habang nasa isip kita
Hindi na joke yan ha?
Naisip ko lang Christmas na pala
Wala pa ‘kong regalo sa’yo kahit isa
Samantalang ikaw napakarami na
Oh? Anong klaseng reaksyon yan?
Namalikmata ba ako o talagang ngumiti ka?
Nagtataka ka ba kung bakit marami na?
Wag kang mag-alala, I’enumerate ko sa mga susunod na stanza
Salamat sa tiwala at pagpapasaya
Pasensya na kung minsan sablay at makulit pa
Pero kahit ganun sana magtiyaga ka
Pasaway ako pero totoong kaibigan naman dib a?
Thank you din sa mga knowledge sharing
Kanit minsan may halong funny bullying
Enjoy naman kahit mabully eh
Basta ba wag ipending ang tseke
Hahaha joke lang ulit, para yan sa kaibigan kong malupit
Oh ngingiti nanaman yan, di kasi bagay sa’yo ang magsungit
Nakakatakot kasi, muntik pa nag akong humikbi
Maimagine ko pa lang parang naglalagablab na sili
Ano bay an lapit ng maging nobela ‘tong tula ko
Wag kang mag-alala matatapos na rin ‘to
Gusto ko lang sabihin na Masaya ako ngayong pasko
Dahil nakilala pa kita lalo at pinagkatiwalaan mo
Wag ka sanang mag-isip ng kung anu-ano
Mahilig lang akong gumawa ng tula gaya nito
Sana itago mo rin ito
Kasi kahit makata ako, bihira lang ako magbigay ng tulang ginawa ko
Merry Christmas sa’yo Lolo Bear
6 days pa bago mag New Year
Di man ganun kasaya ang emotions mo
Kahit malakas ka, andito pa rin kami ni Francis pag kailangan mo
May kadramahan man ang mga linya
Ramdam na galling sa puso ang mga kataga
Para sa isang taong napakahalaga
Di lang para sa’kin kundi para sa kanila.